BENTE
"Pauwi na kami ng tropa ko galing FERN. Wala akong barya pambayad sa tricycle kaya inabonohan niya muna. Napagkasunduan namin na ako na lang magbabayad ng pang-jeep niya.
Nakababa na kami ng tric at sumakay na agad sa jeep. Bumunot ako ng bente. Sabay abot din ng tropa kong si Maykel ng bente.
Verbatim:
Me: Oh ano yan? Ako na diba?
Maykel: Hindi.
Me: LUH! *Tinaasan ang boses* AKO NA!!
Maykel: Iabot mo sa driver!
Me: Hala ang RK naman nito AKO NA NGA!!
Maykel: IABOT MO SA DRIVER HINDI SAKIN TONG BENTE MAY NAGPAPAABOT NG BAYAD!
Bigla akong napatahimik at natulala. Para akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig nung moment na yun. Tinanong ko sa tropa ko kung sino yung nagpapaabot ng bente. Katabi lang pala niya. Hiyang hiya ako. Sa sobrang hiya ko napatakip na lang ako ng mukha.
HAHAHA hi kel hanggang ngayon nahihiya at natatawa pa rin ako sa ginawa ko ___"
Aira Grande
2013
Other
FEU Diliman
