Confused. The new, the old or myself?
"I met a guy last victory party ng feu sa may hepa. It turned out na friend pala siya ng close friend ko and crush ng isa ko pang friend. He's such a cutie. So ayun palagi kaming magkatext since that night. Pero may bf ako from another school, mag 7years na kame. Gwapo rin naman si bf, chinito may abs pero si new guy yung tipong boy next door. Yun nga lang yung ""sparks"" na tinatawag nila, parang nawala na sa relasyon namin. At yung ""sparks"" na yun naramdaman ko kay new guy.
Before pa magdecember medyo nagkakalabuan na din kami ni bf.. He has this passion about this extreme sport, then he met a girl that also loves that sport. Hindi kasi ako sporty, so I support him in what he do na lang. Nainsecure rin ako dahil mas maganda siya sakin (in the first place, d naman talaga ako maganda). Sinabi ko na at pinaramdam na nagseselos ako, na iwasan or layuan nya yung babae pero wala naman siyang ginawang effort para iwasan man lang yung girl.
So back to the new guy, I can't say I like him already. Pwedeng attracted ako. Maybe I just miss the kilig factor na meron kami ng boyfriend ko dati. Sinasamahan niya ko sa breaks ko, at hinatid niya ako once pauwi. Hanggang sa mas inaantay ko na yung texts niya kaysa sa boyfriend ko, siya na yung madalas na naiisip ko. Btw, alam rin ni new guy na may bf ako.
One time, nagmeet kami uli ng bf ko after ng ""busy"" week niya. He told me that he's horny. Madalas naman game ako, the problem is, si new guy yung naiisip kong partner. Kaya I rejected him kasi nagiguilty ako sa naiisip ko.. Pero he forced me to do it so wala akong nagawa.
Syempre hindi alam ni new guy yung nangyare. Hindi ko nga alam kung may paki siya, or tingin niya lang sakin kalandian lang talaga. Ayokong magassume. Hindi pa rin naman kasi umaabot sa ganoong point yung landian namin. Kumbaga sa texts lang. Pag magkasama kame, casual lang. Walang holding hands or momol.
I wrote here because I want to breathe. Hindi ko na alam gagawin ko. I know na kailangan ko ng tigilan yung pagsakay ko sa mga kalandian ni new guy kasi may boyfriend ako. Pero feeling ko ginagago lang rin ako ng boyfriend ko.. I am not getting even. And I don't want to get even. Alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya. Sabi nga, a girl may have many crushes, but at the end of the day, it will always be him. Sabi nila, you can let him go if you can look at him together with another girl, without feeling any pain. Alam ko rin na mas kailangan kong pahalagahan yung sarili ko, dahil sabi nga nila ""you can't truly love someone else without loving yourself first"". But I can't decide yet. Ang hirap. Ang sakit.
Pain demands to be felt nga raw. Damdamhin ko muna lahat ng sakit. Para I'll have no regrets when the time comes na I come up with a decision na para sa ikabubuti niya, at ikakabuti ko. For now, siguro, I'll do my best to fight for our ""love"". Kung meron pang natirang ganoon sa kanya. At kung wala na, tsaka na ako bibitiw."
ConfusedGirl101
2012
Other
FEU Tech (FIT)