Sweetest Goodbye

1.1K 5 0
                                    

Sweetest Goodbye

"Simula nung una ko siyang makita may kakaiba na sa pakiramdam ko. Yes, nalove at first sight ako. Napahinto ako at napatingin sa kanya ng sobrang tagal na para bang huminto talaga lahat ng tao sa paligid ko. Feeling ko pinana ako ng paulit-ulit ni kupido eh. Normal naman ang magandahan at humanga sa isang babae pero sa kanya.... Grabe ang naging interes ko. Madalas ko siyang nakikiga everytime na lalabas at papasok ako ng room sa EB205. Yun pala sila pala yung laging next na gagamit ng room na yon kaya palagi ko siyang nakikita at dahil din don siguro kaya ako naglakas loob na tanungin yung classmate niya kung ano ang pangalan niya then nung nalaman ko na, agad-agad kong hinanap yung account niya sa fb and finally nakita din. Halong lungkot at saya yung naramdaman ko nung nakita ko. Bakit? Masaya dahil makikita at mai-istalk kita araw-araw at malungkot naman dahil famous pala siya sobra, ang daming followers. Nawalan agad ako ng pagasa na baka hindi nya mapansin ang isang tulad ko. Pero naglakas loob padin ako na makipagkilala sa kanya dahil sobra talaga yung paghanga ko sa kanya.

Then, One time uwian ko na at nagmamadali akong lumabas ng room dahil may pupuntahan akong birthday at sa di inaasahang pagkakataon napatigil ako sa paglalakad ko nung nakita ko siya... Nakita ko siyang may kasamang iba at magkayakap pa. Simula noon nawalan na talaga ako ng pagasa na mapansin niya ako. Lumipas ang ilang mga araw niyaya ako ng mga kablock ko na sumama dun sa GLOW party ng IABF so ako naman sumama kasi gusto ko maexperience yung mga ganung event. Nung nandun na kami, biglang may isang pumasok at lahat kami ng mga kasama ko napatingin. Siya nga.... SIYA NGA!!!! Si crush ko dumarating. Sabay biglang tingin sakin ng mga kablock ko at todo ang pangangantyaw. Hindi ko alam kung bakit umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagtatago ako sa tuwing nariyan siya samantalang hindi niya naman ako kilala. Pinilit ako ng mga kablock ko na magpapicture sa kanya pero ako todo tanggi dahil nahihiya. Pero ayaw talaga magpaawat ng mga kaibigan ko kaya pumayag na ako. (CHOOSY PA)

Pagkatapos ng party at uwian na. Pagkadating ko ng bahay naisipan kong i-message sa kanya yung picture naming dalawa at sinabi niya na i-upload ko at itag ko siya. Sabi ko naman ""hindi po kita matatag kasi di tayo friend"" then she replied ""ay ganun po ba? Wait. Ayan na po na-add na kita "" simula noon naging friends na kami sa fb, wala ng araw na dadaan nang hindi ko siya kausap. Nageenjoy at masaya ako sa tuwing kausap siya. Siya kasi yung tipo ng babae na kalog. Yung magkekwento ng kung anu-ano about her life and about her family. Madaldal siya sobra, sa sobrang daldal at kulit niya mahuhulog at mahuhulog ka talaga. Then one time, naitanong ko sa kanya kung may boyfriend siya? Ang sagot niya, WALA. Nabuhayan agad ako ng loob at tinanong ko siya kung sino yung lalaki na kasama niya at nakita ko silang magkayakap. Sabi niya sakin ""Ah yun ba? Hahaha. Kaibigan ko yun at bakla yun"" Ayun pagkatapos ng lahat ng yon madalas na kaming magkausap tuwing gabi. Chat,text etc. lalo akong nahuhulog sa kanya, lalo akong naging interesado na makilala pa siya kaya naitanong ko yung kaibigan ko kung ano ba ang dapat kong gawin kung makikipagsiksikan pa ba ako sa sobrang dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya o hahayaan ko nalang? ""Edi lumaban ka, may the best man win ika nga tol. Huwag agad susuko"" yan ang sabi sakin ng kaibigan ko. Sabagay, ang love parang sugal din pwedeng matalo, pwedeng manalo. Pero syempre hinding hindi ka mananalo kung hindi ka marunong tumaya. So, tinuloy-tuloy ko yung pagiging sweet ko sa kanya and mas ipinaramdam ko pa na interesado ako sakanya.

Then one day, nasa school ako kachat ko siya at nakikipagkita siya. Nagmamadali akong umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit at manghiram ng pera sa kaibigan ko dahil syempre nakakahiya naman siguro kung lalabas kami wala akong pera. And yun nagkita kami sa may mamalengs sa may lerma. She's with her mom. Ang inexpect ko kaming dalawa lang at kakain sa labas. So yun yung unang araw na nakasama at nakabonding ko siya sobrang saya ko talaga dahil sa kanya. Lumipas ang ilang mga araw nagtuloy-tuloy padin ang pagiging magkaibigan naming dalawa then i suddenly asked her if it is okay kung liligawan ko siya. And she said YES! Ohmygod. Hindi ako makapaniwala grabe talaga yung saya ko nung araw na yun. Dumalas ang paglabas labas naming dalawa, nameet ko na family niya, at iba pa nilang mga kamag-anak. Lumalim ng lumalim ang samahan naming dalawa at sobrang sweet sa isa't isa. I'm from Manila and siya naman sa Marikina. Medyo malayo kami para sa isa't isa. Ngunit hindi naman kahit papaano naging hadlang yung pagiging long distance namin. Madalas inaabot nako ng madaling araw kapag nasa kanila ako at naranasan ko na makitulog dahil sobrang layo pa ng uuwian ko. Naging pasaway ako sa mga magulang ko. Sarili ko lang ang iniintindi ko hindi ko inisip na may magulang din ako na nagaalala para sa akin. Pero dahil sa labis na kagustuhan kong makasama siya kinagalitan at kinaiinisan ako ng family ko.

For almost 3 months na panliligaw. Finally, sinagot nya na ako. Hindi tlaga ako makapaniwala para bang gusto kong sumabog nung mga oras na yun sa sobrang tuwa. Imagine, kung dati hanggang tingin lang ako sa kanya pero ngayon girlfriend ko na siya. Sobrang sarap pala sa feeling na makatuluyan mo yung babaeng pinapangarap mo at gustong-gusto mo. Kaya naman ginrab ko na yung chance na maipakita sa kanya kung gaano ko talaga siya kamahal. Kung gaano ako kasigurado na siya na yung babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko. Na siya na yung babaeng gusto kong iharap sa altar. Sa kabila ng lahat ng sayang pinagdadaanan namin, hindi maiiwasan sa buhay ng tao yung mga mahihilig makisawsaw. Yung tipong alam na may boyfriend na yung tao pero hindi marunong dumistansya, hindi alam kung ano ang limits nila. Hindi nila alam na nakakasakit at nakakasira na sila ng isang relasyon. Madalas namin napagtatalunan at napagaawayan ang pagseselos ko sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Paulit-ulit na nangyayari to sa aming dalawa. Dumalas ang away, bangayan gabi-gabi. Minsan nahahayaan nang matulog ang isa't isa nang hindi kami nagkakaayos. Lumala ng lumala yung damage sa relasyon namin. Hanggang sa isang araw dumating na yung pinaka kinatatakutan kong mangyari. Yun ay ang mawala siya. __ Yes, bumitiw na siya, iniwan na kong nagiisa. _ Mahirap pala talaga makabangon kapag nahulog na.

Babe, alam ko mababasa mo ito at nais ko lamang sabihin sayo na mahal na mahal pa rin kita. Hindi ko alam kung bakit. Lagi ka pading nandito sa puso ko, lagi padin kitang iniisip. Madalas inaaliw ko nalang ang sarili ko para tuluyan nang malimutan ka. Pero tuwing gabi bago ako matulog. Iniisip ko padin. Iniisip ko padin kung paano tayo humantong sa puntong ito, na isang iglap nawala nalang lahat. Nawala na lahat ng mayroon tayong dalawa. Oo mahirap, mahirap dahil wala kana sa akin. Pero sa tingin ko mas mahirap kung mananatili parin tayong dalawa kung palagi lang natin nasasaktan ang isa't isa. I think it's better for us to let go na talaga. Pero eto lang ang masasabi ko sayo. Ikaw lang ang mahal ko mula noon hanggang ngayon. Ikaw lang yung babae na minahal ko ng ganito na masasabi ko sa sarili ko na kulang ang habambuhay para mahalin ka. Siguro hindi pa ito yung tamang panahon para sa ating dalawa. Alam kong huli na para sabihin pang mahal kita kaya paalam aking sinta dahil tayong dalawa'y sa panaginip na lang muling magkikita pa."

Tong
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon