Survivor

1.2K 30 0
                                    

Survivor

"Thank you in advance admin kung sakaling mapost to.

Take time to read my 2015 story.

Buntis ako noon, hindi ko matanggap, napakabata ko para dito. 17 lang ako. Mahirap na desisyon, pero kailangan ko itong ipalaglag. :((( Ayokong maging isang malaking disappointment nanaman sa pamilya ko, ayokong maging kahihiyan.

I took 5pcs of Ibuprofen, Get drunk each day. Stress myself so much. I even bought Cytotec in Quiapo (but hindi ko ininom, natakot ako at nakonsensya)
Ginawa ko tong mga to dahil iniisip ko yung kinabukasan ko! Pero may part sakin na naaawa sa nasa loob ng tyan ko. unsure emoticon What to do!

April nun, nagkaron ako ng Chicken Pox, suka dito suka dun. Wa, nasabayan pa ng paglilihi ko. No choice, I took medicines. hindi ko iniisip na maapektuhan ang anak na nasa tyan ko.

Hindi padin ako tumigil, makapit si baby, umiinom ako ng beer, gabi gabi ako umiiyak. Baka kasi di kayanin ni baby ang stress ko but still, he/she's a fighter. Nagmana ata sakin. ��

Nung nalaman samin na buntis ako, almost 4months preggy nako nun. Slap! Slap! Slap! Slap! Diko nabilang kung ilang sampal yun galing sa mama ko. Pero namanhid na ata ako, Alam ko kasing mas masakit nararamdam niya nung mga panahong yun, I EVEN can't say sorry, I'm so afraid. I made them disapppinted. AGAIN.

Akala ko katapusan na ng mga pangarap ko, akala ko papalayasin na nila ko. But thinking that is my BIG mistake.
Kahit nagbago ang pakikitungo nila sakin, tinanggap padin nila ko. Pinakain at Pinag aral.
Oo, nag aaral ako ng buntis. Hello, sa mga nakakakilala sakin dyan! XD
Pero lumayo loob sakin ng pamilya ko, lalo na si mama. ;( At nung nalaman ng ate ko, ayaw nya ko kausapin (nasa ibang bansa sya at sya nagpapaaral sakin)

Lumipas ang ilang buwan, 5months. Flat padin tyan ko. 7months. Di padin halata ng iba na buntis ako kung diko sasabhin.
Natakot nako nun na BAKA PREMATURE ANG BABY KO. :((

Everyday and night. Lagi kong kinakausap si Lord, lagi kong hinihiling sakanya. ""Lord, pls gawin nyong Normal yung baby ko, kahit ako nalang mahirapan wag lang sya. Lord ako nalang.""

Mahal ko ang anak ko, nasa tyan palang sya. Binalak ko syang ipalaglag oo, pero gabi gabi kinakausap ko sya, para magsorry at sabhing hindi nya ko deserve maging ina kasi napakawalang kwenta ko. Kaya natatakot akong siya ang magsuffer dahil sa mga nagawa ko. frown emoticon
Di talaga ako tumigil sa pagdarasal hanggang sa dumating yung araw na manganganak nako.

November 20.
Madaling araw palang dinako nakatulog dahil sa pabalik balik na sakit ng tyan ko. Dinugo pako, kala ko makukunan nako, pero dko alam paglelabor na pala yun.
7:45pm otw na kami sa Hospital (halos 1day ako naglabor)
And finally. 8:16pm, I heard him crying.... Yes, him. He's a boy. ^__^
Worth it lahat, automatic nagform yung labi ko ng smile. ;))

But few minutes passed. After matahi ang pwerta ko, bigla nalang may sumabog DAW na bukol (and I think yun yung LUSLOS ko) and dun nagstart ang aking walang tgil na VAGINAL BLEEDING.

Ang sakit, ang dami nilang ginawa para tumigil pagdurugo. Unti unti, namamanhid nako, wala nakong maramdaman na sakit, pagtingin ko sa mga kamay ko, wala ng kulay. Sabi ng doctor, nauubusan nako ng dugo. (3 yung doctors ko nung mga panahong yun, daming nurses)

Sumusuko nako, pero pinapalakas ng mga doctors yung loob ko. Nung sinabi kong diko na kaya, itinabi nila sakin yung umiiyak kong baby, naiiyak ako. Gusto ko sya hawakan, pero dko kaya. Hinang hina nako. dun ko naaalala yung lagi kong dinadasal. Si Lord, THE BEST! smile emoticon
NORMAL ANG BABY KO, At heto ako nagsusuffer. smile emoticon Natupad yung wish ko. Pero natakot ako, ayokong mamatay. So I talked to him again, ""Lord, not now please, isa papong chance, pipiliting kong gawin yung tama."" That time, snabi ng doctor na 50/50 ako. Nagkakomplikasyon sa bahay bata/matres at uterus. So ako takot na takot na. Kusa kasing pumipikit yung mata ko. Pero kahit nakapikit nako, lumalaban ako, sabi ko sa sarili ko di ako matutulog.

Pero wala, wala silang nagawa para mapatigil yung dugo.
Kinausap ako ng pinakadoctor ko. Kailangan kong operahan. Agad agad GO ako kasi gusto ko mabuhay, pero ang sabi, tatanggalin daw yung matres ko. Pero wala akong pake basta mabuhay at maalagaan ko baby ko.

Nung nasa operating room ako, nasa labas ang pamilya ko, alalang alala. Pero di nila alam. Lumalaban talaga ko.
Bago magstart pinagpray nila kong lahat (docs and nurses) na sana daw masave ako at ang matres ko.
And then.... black out!!!

Nagising nalang ako may oxygen ako sa bunganga pero nasa recovery room nako. diko alam kung ano nanyari.
Dumating yung auntie ko at sinabing nasave ang matres ko. ^___^ how lucky Am I.
Agad agad THANK YOU SO MUCH LORD.

Lahat ng nurses na nag aalaga sakin, sinasabing SECOND LIFE MO NAYAN. Kahit mga janitor.
Halos buong hospital daw natataranta sa nanyayari. Sikat yung nanyari sakin. Hehe. Kaya mas lalo kong narealized na second chance nanga talaga ko.

AYUUN, Mahirap. Masakit. Worst Experience pero yun din yung naging way para maging maayos kami ng pamilya ko, nag usap usap kami, pati ate ko, napauwi from other country just to see me. wink emoticon

Yung baby ko mataba na ngayon. Normal and Safe.

Mag aaral padin ako pag medyo malaki na si baby.

Si Lord, ginising ako sa katotohanan. Hindi ko kailangan humiling at humingi ng kapalit. Nasa plano ang lahat. Just have faith on him. The best siya promise. Marami akong narealized ngayon.
Salamat sa lahat ng nagdonate ng dugo ha? smile emoticon

Now I can proudly say na I'm a SURVIVOR. THANK YOU LORD, Di ako magsasawang magpasalamat sayo.

bawal tag. Hehe"

Tabs
2015
Other
FEU Cavite

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon