I fell in love with a fuckboy

1.5K 8 0
                                        

I fell in love with a fuckboy

"Hindi ko alam kung kailan mo 'to mababasa. Baka parehas na tayong graduate kapag nabasa mo 'to.

Everything started a week after my birthday. You were texting me the most sweetest messages I could ever hear from a guy. Palagi mo pa kaming pinupuntahan ng friends namin sa unit namin. Hindi ko alam na sa bawat pagbisita mo sa amin, unti unti na akong nahuhulog sa'yo at nakakalimutan ko na ang mga pinakamasasakit na alaala ng nakaraan. Nakakatuwa dahil ang dami nating napagkukwentuhan. Naalala ko kung papaano mo pilit ipinapaintindi sa akin kung anong ginagawa niyong mga ECE. Pinakanakakatuwa sa lahat, sobang gentleman mo. Sayo ko noon napatunayan yung 'Chivalry is not yet dead.' If I was to describe you, ikaw ang Mr. Right na hinahanap ng kababaihan. Gentleman, gwapo, chinito, sobrang ganda ng ngiti, masipag mag-aral, matalino (Sabi mo nga ikaw ang kinokopyahan), health conscious, maganda ang pangangatawan, at may sense of humor.

Then, we had a chance na magkasama sa isang inuman. Wala akong ibang magawa kung hindi tumingin sayo. Hindi ko alam kung nahahalata mo na may gusto na ba ako sayo. Sa kasamaang palad, hindi ko namalayan napaparami na ang inom ko. Pero nakakaya ko pa rin at naalala ko pa ang mga pangyayari. Lumapit ka sa akin at nagsimula na tayong magkwentuhan na para bang hindi natin nakikita na may iba pa pala tayong kasama. Gusto ko ng umuwi at sinabi mo na ihahatid mo ako. Pinapasok kita sa unit ko at humiga na agad ako sa kama. Hindi ko namalayan na sinundan mo na pala ako. Humiga ka rin. Nagulat ako, bigla mo akong niyakap mula sa likod. Sobrang kinikilig ako. At nung humarap na ako sayo, hinawakan mo ang mga pisngi ko at hinalikan mo... And yes, we had sex.

After that night, you said to me na, ""Kalimutan mo to, walang nangyari sa atin. After nito, friends pa rin tayo, ha?"" Sobrang nashock ako. First time kong nakipag-sex at sa kanya pa, at ganun lang pala ang nangyayari. Nagkakalimutan na. Hindi ko siya masisi. Ako ang nagkamali. Katangahan ko to.

Sa sobrang katangahan ko, hindi kita magawang makalimutan. Mas lumalim pa ang naramdaman ko para sayo. Oo, hanggang ngayon, may nararamdaman pa rin ako for you. Gusto ko na kalimutan tong unang beses kong naexperience. Pero halos nakikita kita sa school. Kahit taga-FIT ka at taga main ako, nagkakataon nakikita kita.

Ibinuhos ko lahat ng time ko sa thesis at org, makalimutan lang kita. Pero sobrang ang hirap makalimot. Nagpaka-busy ako to the point na nakalimutan ko na alagaan ang sarili ko. One time, nahimatay nalang ako. Sinugod ako sa ospital at paggising ko, sinabi sa akin na nakunan ako. Sobrang naiiyak ako. Wala akong balak ipaalam sayo na nabuntis ako at nakunan dahil alam kong wala ka namang pakialam. Hindi kita masisisi doon.

Ilang buwan na nakalipas ang nangyari sa akin, hindi ko pa rin makalimutan. Tanga ko lang, pero hindi pa rin ako nakakamove on sayo. Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko ang nangyari sa atin. Hindi ko alam kung kaya nila akong intindihin. Pero sana dumating ang tamang panahon para mabura ka na sa isip at puso ko. "

Twenty-threeeee
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon