Goldilocks
"Super favorite ko ang chiffon slice ng Goldilocks. Siguro dahil chiffon slice + zesto ang lagi kong baon nung elementary ako. Hindi ako naiinggit sa mga classmates kong pera ang baon. Solb na ko sa chiffon slice smile emoticon
Hanggang college, mahilig padin akong magbaon nun. Hindi ko na talaga natanggal sa sistema ko. Hehe.
Isang araw, pumunta ako sa Goldilocks España branch, tapat ng UST. walking distance sa dorm ko. After ko kumuha ng basket, diretso na ko sa chiffon slice. Pagtingin ko, ubos na. Malas. Out of stock. Pero inikot ko padin yung store. Baka sakaling nailipat lang ng pwesto. Pero wala padin. Then may nakita akong basket na puno ng chiffon slice! HIYYYEESSS! Naabutan kong nag rerefill si Kuya Goldilocks. grin emoticonHabang kinukuha ko lahat ng chiffon slices sa basket:
Me: Kuya, buti nalang naabutan kita. Kanina pa ako naghahanap. Akala ko aalis ako dito na brokenhearted.
After ko makuha lahat, HINDI PALA NAKA UNIFORM NG PANG GOLDILOCKS SI KUYA! ENGINEERING STUDENT PALA NG UST!!!
Gusto kong maglaho sa hiya. Inisip ko na sana alikabok nalang ako.
Me: Omg. Sorry. Akala ko staff ka ng goldilocks. Akala ko nag rerefill ka. Sorry po. (Sabay balik ng mga tinapay sa basket nya)
Him: Okay lang miss, sige sayo na. O hati nalang tayo. Kasi favorite to ng mama ko.
Me: Hindi sayo na. Sorry talaga. Pasensya na. Iba nalang bibilhin ko. (Sabay lakad lang ng casualan. Haha. Kunwari hindi ako napahiya. Kunwari naglalagay ako ng mga brownies sa basket ko. Nung nakita ko na nagbabayad na sya, lumabas na ko ng store.)Buti nalang malapit lang ang dorm ko. Grabe. Most embarrasing moment ever! Halos takbuhin ko na ang dorm sa sobrang hiya. Pagdating ng dorm, nag doorbell na ako. Habang naghihintay, may kumalabit sakin.
OMGGG!! Si Kuya Goldilocks, sinundan ako.
Him: Miss, ito oh, kunin mo na.. (sabay abot ng plastic na puno ng chiffon slices)
Me: Hala, okay lang.. sayo na.
Him: Parang wala ka din kasing nabiling iba?
Share tayo.
Me: okay lang talaga, nakakahiya.
Him: Ayaw ko kasing maging brokenhearted ka.. (Sabay ngiti)
Natawa ako. Syempre pinigilan ko kilig ko. Haha! Kinuha ko na din.. choosy pa ba ako? Pogi kaya niya. smile emoticonSimula nung araw na yun, araw araw na syang dumadalaw sa dorm o kaya naman sinusundo nya ko sa FEU. Lagi nadin akong may supply ng chiffon cake dahil sakanya.
2 months na kaming nagdadate. Ng malaman kong may girlfriend pala sya. Actually, inamin nya sakin. Sabi nya hihiwalayan nya, humahanap lang ng tiyempo. Syempre hindi naman ako masamang babae para mang agaw ng boyfriend ng boyfriend. I felt bad, knowing na naging ""other girl"" ako ng 2 months. Sinabi ko na wag syang makipaghiwalay sa girlfriend nya. Na kung may something man samin, mali ito at di na dapat ituloy. Ako ang lumayo at umiwas. Hindi na ako nagpakita. Pero araw araw padin syang nag iiwan ng chiffon slices sa dorm. Syempre kinakain ko padin. Favorite ko e. Hahaha!"
Betty
2005
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila
