Age gap

2.3K 22 0
                                    

Age gap

"Hello po mga admin,Sana mapost post po ito.

So confession ko narin naman ito.

19 lang ako at ang kasintahan ko/future husband ko ay mas matanda pa sa papa ko. Ang age ng papa ko ay 49. Tulad ng sinabi ko mas matanda pa yung kasintahan ko pero diko na imemention pa.

So? What's the big deal about sa age gap namin? I'm sure na maraming ang nasa isip nila ngayon eh ganito:
""Nako mukhang pera yan,siguradong mayaman yung lalaki"" , ""Sugar daddy/Sugar mommy"" , ""Nako baka di talaga pagmamahal yan,baka parang pagmamahal lang ng tatay talaga yan""

Masakit isipin na ganun nalang manghusga ng mga tao ngayon pag may nagmamahalang malayo ang age gap nila. Ang mas masakit pa,nanggaling na sa bibig ng mama ko na ayaw nya na ang mapapangasawa ko ay matanda, may halo pa ngang pandidiri sa pagkakasabi nya yun. Nasasaktan ako na naiiyak ng time na yun na parang gusto kong sabihin sa kanya na wala akong pakialam sa pera nya dahil hindi naman yun ang minahal ko sa kanya.

Sorry for saying this but,nang dahil sa mga karamihan ng kababaihan na may kasintahang matanda na Gold digger, nasisira ang image naming mga totoong nagmamahalan!

Sa pagkakaalam ko,wala namang bataas ang AMA Sa Itaas(God) na bawal magmahalan ang magkasintahang malayo ang agwat ng edad nila.

Hindi ko kinakahiya ang mahal ko ng dahil lang sa age. cry emoticon
Kahit nahihirapan ako sa sitwasyon namin kung panu namin ipapaalam sa magulang ko na kami,hindi ako susuko. Sa totoo lang,balak na nga naming magpakasal kaya lang ay gusto pa nya akong makapagtapos ng pag aaral.

Sa mga nanghuhusga samin,bahala nalang ang itaas sa inyo

Hangang dito nalang
muna ... "

a GIRL who love his MAN
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila



The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon