Piece of advice

1K 5 0
                                    

Piece of advice

Piece of advice lang sa mga girlfriends na medyo may pagka immature at over-protective,

Kalmahan nyo lang. Wag niyong masyadong sakalin yang boyfriend niyo. Sa sobrang sakal niyo diyan hindi niyo alam kayo rin ang nagiging rason para mag sinungaling yan sa inyo. Mino-mold nyo silang maging sinungaling dahil sa sobrang pagbabawal. Baka matutong hindi na yan mag sabi ng totoo kasi alam niyang magagalit ka. Diba kapag ang magulang niyo masyado kayong pinagbabawalan nagkakaroon ng tendency na mag sinungaling kayo para lang hindi sila magalit? Parang sa lovelife din. Parang mga boyfriend niyo rin. Wag niyong sabihin na "Kung mahal niya talaga ako, di siya mag sisinungaling." That's bullshit. Kahit kayo sa magulang niyo kahit isang beses nag sinungaling kayo kahit mahal niyo sila.

Syempre yung pambababae bawal talaga yun. Pero kung tungkol sa hobbies lang at get together nila ng mga tropa nila, hayaan niyo na. Give them space. Hindi lang naman sainyo tumatakbo ang mundo nila. Wag masyadong selfish. Wag masyadong nagger para maging open sila sainyo. Wag niyong isipin na baka mag loko o ano dahil sa sobrang luwag nyo kasi trust issues na yan. Bakit pa kayo nag iistay in the first place kung wala kayong tiwala diba?

Wag niyong tratuhing aso ang boyfriend niyo. Konting luwag lang. Yung sakto lang para di masakal.

Nyaw
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon