Netflix and Chill

2.2K 14 0
                                        

Netflix and Chill

"Imbes na matuwa ako dahil niyaya ako ng mahal ko na mag-""netflix and chill"" e mas lalong lungkot ang naramdaman ko. Hindi tayo. Hindi rin tayo exclusively dating. Actually, wala talagang tayo. Sobrang liberated mo pero you told me naman that you know when to tone down. Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin don. Kung may potential ba tayo and kaya mong magbago if ever. Baka naman tawag ng laman mo yun. Tatlong beses mo na akong niyaya, tatlong beses na rin kitang inayawan. Kasi gusto ko na pag ginawa natin yun ay mahal mo na ako gaya ng pagmamahal ko sayo.

Pero mas nakakalungkot dahil alam kong hindi lang ako ang niyayaya mo. Na tuwing inaayawan kita at hindi ka nagrereply sa messages ko ay iba iba ang kasama mo. I'm old fashioned, gusto kong gawin yun sa taong mahal ko at mahal ako. I just don't want to fool around anymore. I hope you understand where I'm standing right now. Love conquers all, right?

Tanggap parin kita kasi mahal kita. Kahit masakit. Sobrang sakit. "

Don Rocky Antonio

2013

Institute of Graduate Studies (IGS)

FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon