Foodcourt Horror Story

1.3K 10 0
                                    

Foodcourt Horror Story

"Guys, I'm telling you mag iingat kayo sa food court. Hindi lang ako ang naka-experience nito, pati yung friend ko biktima rin a year ago. At hindi ko inaasahan na sa dalawang taon kong pananatili dito sa feu, ako naman ang mabibiktima ng nakakapangilabot na pangyayari.

Tuesday. Pagkatapos kami i-dismissed ng prof namin nagkaayaan agad kaming magkaklase na kumain. Since kailangan pa naming magreview para sa next subject after lunch, napagdesisyunan nalang ng grupo na sa food court kumain. Dahil ito naman ang pinakamalapit, at kabisado na rin namin lahat ng pagkain dito.

10:30 am habang paakyat na kami ng hagdan papuntang foodcourt, hindi ko na mapigilan ang gutom dahil sa bango ng amoy ng mga pagkain. Hanggang sa pagdating namin doon, maraming tao. Nung una akala namin wala kaming mauupuan pero nakakita kami ng isang table na kasyang kasya ang grupo namin.

At dahil may table na kami, kanya kanya na kaming bili ng mga kakainin. Yung isa kong friend gusto ng sizzling, yung isa gusto ng pesto. Habang ako naman gusto ko sana ng chicken nuggets dahil yun naman ang lagi kong binibili, kaso nalungkot ako nung sinabi sa akin nung tindera na wala pa daw chicken nuggets. Kaya umikot ulit ako sa buong food court para maghanap nalang ng ibang kakainin. At naisipan ko nalang magpasta.

Isa isa kong tinignan at nag-isip kung ano ba ang masarap.
Putanesca... Penne Rigate... Pesto... Lasagna.... Ayun! Lasagna!

Excited na ako nung ipinasok sa loob ng oven yung lasagna para iinit. Lalo na nung inabot na sa akin nung nagtitinda. Wow. Tinitignan ko palang hindi na ako makapag hintay kung saan ako di-dig.

Kung saan maraming cheese? Hmm. Kung saan maraming meat? Yung tipong pag tusok ko ng tinidor, overload yung cheese at meat. Shet kagutom.
Hanggang sa sinimulan ko na ngang kainin.

Tinikman ko ulit.

Pero wala akong malasahan.
Kahit yung sauce na medyo kumulay naman wala.

Nagtaka na yung mga kaibigan ko at tinatanong ako kung bakit mukhang disappointed ako. At isa isa kong inalis sa pagkakapatong ang bawat flat noodles na walang kalaman laman. Yung lasagna na mas makapal pa sa libro namin, walang kalaman lamang keso o karne man lang sa loob? Aba, hustisiya naman sa 45 pesos ko.

At yung sinasabi kong experience ng kaibigan ko noon? Pinagbilan lang naman siya ng panis na cream puffs.

Hindi ko na papangalanan guys, pero gusto ko lang kayong mag ingat sa mga pagkaing binibili niyo lalo na kung sa paningin lang mukhang masarap, hindi ka naman pala kayang busugin. "

Lasag Na
2014
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon