Forgiven not Forgotten

2.2K 21 0
                                        

Forgiven not Forgotten

"SPG
I hope my story will inspire your readers and be an eye opener to everyone.

Naiinggit ako sa mga confession dito sa FEUSF tungkol sa mga best dad nila.. Ako kasi, malayo ang loob ko kay papa... Why? Marami akong rason para magalit sa kanya. Nung elementary palang ako, palagi nya akong pinaghihigpitan. Bawal lumabas ng bahay, bawal makipag kaibigan, bawal dumungaw sa bintana, lahat bawal! Akala ko noon, nag aalala lang sya, pinoprotektahan lang ako. Isang beses pumasok sya kwarto ko hbang natutulog ako.. Hindi ko maintindihan bakit nya ginawa yun., hindi ako makapag sumbong kay mama kasi sasaktan nya daw ako, iiwan nya daw kami.. Bata pa ako.. Hindi ko pa naiintindihan yun.. Hindi ko alam kung ilang beses na naulit yun..

Highschool na ako nung mahuli kami ni mama.. Umiiyak ako habang nakapatong sya sakin... Nakita ni mama, nanghina sya, nahimatay, alam kong sobrang sakit kaya hndi nya magawang umiyak. Nagwala sya ng matauhan, dun ko lang nasabi ang lahat.. Ang sabi ni mama ipapakulong daw namin si papa.. Natakot ako. Hindi dahil mawawalan ako ng ama.. Natakot akong masira ang pamilyang para sa mga kapatid ko ay perpekto, natakot ako sa kahihiyang idudulot nun saming lahat. Ang sabi ko kay mama huwag nyang gawin yun.. Ang sabi ko ilayo nya nalang ako.. Lumuwas ako ng maynila, at the age of 16 lumayo ako sa pamilya ko. Nagsumikap ako.. Trabaho sa umaga, aral sa gabi.. Walang nakaka alam kung gaano kahirap at kasakit na sa tuwing iniisip ko ang mga nangyari, patuloy na umaagos ang luha ko.. iniisip ko, anong nagawa ko para mangyari sakin yun? Tatay ko pa mismo.. Yung taong dapat na mas promotekta sakin, dapat na mas magmahal sakin higit kanino.. Ilang taon na ang lumipas pero nakatatak parin sakin..

Si papa? Pinili ko syang patawarin.. May anak narin ako at tinanggap ako ng asawa ko.. Pinili kong huwag itago sa kanya ang lahat dahil alam kong ang pinaka madilim ng parte ng buhay ko ay mabibigyan nya ng liwanag..

Masyadong mahaba kung idedetalye ko.. Pero sana maisip nyo na may mas malalaking pagsubok ang ibang tao kesa sa inyo.. Be strong. Dahil sa nangyari sakin kaya hindi ko na iniinda ang mga problemang dumadating dahil naranasan ko na ang isa sa pinakambigat. Yun pa kayang maliliit."

Ruanne
1639
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Cavite


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon