Move on kahit hindi naging kayo

1K 3 0
                                    

Move on kahit hindi naging kayo

"Ikakasal ka na. Iiwan na akong nag-iisa _

Ngayon ang araw ng kanyang kasal. Yung lalakeng minahal ko ng patago. Yung lalakeng bulgaran kung pano iparamdam at sabihin kung gaano niya ako kamahal. 1 yr niya akong niligawan. Oo, hindi naging kame. Hindi ko sya sinagot. Gaga dba?
Pero ayus lang yun. Im happy for them. Ng dahil sa katangahan ko mayrong dalawang taong masaya ngayon at masayang linalakbay ang bagong yugto ng kanilang buhay.

I admit na dati sa tuwing naiisip ko kung paano niya ako napasaya, kung paano niya ako tinrato ng parang prinsesa nya, yung mga pangarap niya kapag kinasal na kame, yung mga jokes niya na ang kokorni, yung kasweetan niya eh nasasaktan pa rin ako dahil ngayon ibang babae na ang nakakaranas ng kasiyahan na yun na dati nyang ipinaramdam saken.

Im really happy for them _ Moved on na ako. Well, not totally but I'm doing my best to completely get over on him.

Best wishes and Congratulations smile emoticon"

Martyr
2013
Other
FEU Cavite

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon