Tatay
Alam kong hindi lang ako ang may walang kwentang tatay. Alam kong marami tayong nagkaroon ng tatay na walang balls para panindigan ang responsibilidad nila sa nabuntis nila yun ay ang nanay natin.
Sa paniniwalang yan, nare-realize ko talaga na mas marami talaga ang populasyon ng lalaki ang walang kwenta at walang paninindigan kesa sa mga babae.
Lalaki ako, may utak at hindi ko gagawin sa magiging pamilya ko ang ginawa ng tatay ko sa nanay ko na pagpapaiyak sa kanya gabi gabi dahil sa pambababae niya. Bilang anak, alam ko kung gaano ka-sakit yun para sa magiging mga anak ko. At bilang anak ng inang lumuluha at nag hihinagpis, masakit para saaking gawin yun sa magiging asawa ko.
Kaya sana bago kayo manloko ng babae, tandaan nyong anak nyong babae ang makakatanggap ng karma niyo. It's either maloko rin sila ng magiging asawa nila o mabubuntis sila ng maaga.
alex
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila