Hintay

946 5 0
                                    

Hintay

"Hello sa FEU Secret Files community.
Sana mapost to for purposes...

Matagal na din akong nanliligaw, won't actually say kung ilang months possibly nasa isang taon na. We're both freshmen magkaiba nga lang ng school i'm from FIT and she's from somewhere hahaha. To cut the story short, mahirap pala magmahal ng ikaw lang parang ibon na di makalipad kase isang pakpak lang gumagana, minsan gusto mo na sumuko kase masakit na dahil alam mong kahit lahat na ng pwedeng gawin para lang malimutan nya yung past nya ginawa mo na pero yun pala di nya pa rin magawang kalimutan. Masakit na all this time ineexpect mo na handa kang maghintay for her pero wala ka palang hihintayin. Nagpapakatanga ka, gusto mo nang sumuko pero it was never been you if you choose to give up. Kaya mong maghintay pero hanggang kelan? Kaya mong magmahal pero hanggang saan? Ginawa mo lahat pero kung hindi naman ikaw ang hanap nya, ano pang silbe ng pagpapakatanga mo? Is love meant to be like this? Ang dami kong katanungan na hindi masagot. But everytime na pumapasok sya sa isipan ko naalala ko lahat ng good memories namin, but yun pala ibang good memories yung naalala nya hindi yung sa inyo kundi sa iba...

I want to end the story with a short poem called Hintay

Hintay... ang hirap panindigan ang paghintay sa taong naging manhid sa pag-ibig na minsan syang binigyang sakit

Wala kang magawa kundi maghintay na maghilom bawat sakit na pinaramdam sa kanya ng pag-ibig na pinagkait. Pilit mang wag ipaalala ngunit alaalang kusang bumabalik.

Aaminin ko di ako perpekto, asal ko minsan ay parang aso. Ngunit nagmahal ako sa taong parang bato sinlamig ng yelo. Kinulong sa aspetong sinaktan ng pag-ibig na panloloko

Oo, handa akong maghintay sayo, ngunit may tanong pa rin ako, taon man ang bilangin ng paghintay sana naman bigyang pag-asa ang pusong handang humilom sa sugat ng kanyang binigay

Hintay..."

Lolo Pedro
2015
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon