Because of Forever in FEU
Ngayon naniniwala nako sa forever at nagkaroon nako ng katiting na pag-asa na makakakita ako ng forever sa FEU. Last Friday dahil sa half-day I decided to went home sa province at nadatnan ko ang lolo't lola ko sa labas ng bahay, and then my lolo said "andito na ang doktora" I felt happy ng sabihin ng lolo ko yun but I said "Walang pong pera, pangarap nalang yun" sagot ko. I was shocked ng sabihin ng lolo ko na "Mag-aral ka lang mabuti tutulungan kita" yung lolo kong ubod ng kuripot kahit mayaman tutulungan ako seriously? nagulat talaga ako dahil pag-pera ang usapan masungit ang lolo ko. Tapos nung kinabukasan kinausap naman ako ng lola ko she said that kinausap siya ng lolo ko which is unusual dahil willing talaga raw ang lolo ko na tulungan ako."Natutuwa sayo ang lolo mo, hindi ka daw mabarkada sa ganda mong yan apo wala kang boyfriend at alam ng lolo mo na may mararating ka sa buhay" I was shocked sa kwento ng lola ko. Hindi ko inimagined na sa laging lokohan namin ng lolo ko ganun pala iniisip niya sakin lagi niya kasi akong inaasar kasi baka daw puro paglalakwatya daw ginagawa ko at tatanggi naman ako dahil hindi naman talaga. I was thankful dahil sa FEU kasi sila nagkakilala I was amazed sa love story nila kung paano sindakin daw ng lolo ko before ang mga manliligaw ng lola ko nun. Natatawa nalang ako kapag nakkwento nila ang experiences nila sa FEU dati. Parehas nilang di natuloy ang pag-memed so kaya siguro ang saya nila para sakin. Ngayon tamaraw narin ako and kung hindi siguro nagmeet ang lola't lolo ko noon sa FEU wala ang mommy ko at wala ako ngayon dito. Their forever started in FEU and sana taga-FEU din yung satin.
Ateng Medtech
2014
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila