LEARN HOW TO APPRECIATE EVERYTHING

2.4K 34 2
                                    

LEARN HOW TO APPRECIATE EVERYTHING

"Ako yung tipo ng babae na sobrang pikon, ayaw mag antay kahit 1 minute at sobrang ikli ng pasensya. Anong oras na non, hinahanap na ko samin (kasi hindi ako umuwi last night dahil stranded sa bagyo so nakitulog ako sa ibang bahay). Tanghali na, di ko pa sila ina update nasan na ko, kumain muna kasi kami ng boyfriend ko sa favorite naming kainan sa SM then sa sobrang lamig, bago kami sumakay pauwi nagdecide syang bumili ng hot choco tas sakin hot coffee. Ang haba ng pila, edi medyo naiinis na ko kasi ang tagal. Lumabas muna ako dahil malamig sa loob. Ilang minutes na nakakalipas, wala pa din sya. Pumasok uli ako para tignan kung sya na ba yung oorder. At yun nga, sya na. So sa loob na lang ako nag antay. Paglapit nya sakin inaya ko na agad sya umuwi para habang naglalakad kami papuntang sakayan, dun na lang namin iinumin.

Sya: Masarap ba?

Ako: (napa pwe ako kasi ang pait, hindi man lang tinimplahan) ANG PAET, BA YAN!

Sya: Weh? Tikim nga.

Ako: Oh (nakasimangot na ko nun habang inaabot sa kanya) bat kasi di mo tinimplahan. Blablablablabla....

Sya: Wait lang dyan ka lang, babalik ako dun.

(Ang tagal ko na naman nag antay, nasa 10 minutes)

Ako: Ayoko na uminom. Kakainis. Anong oras na, sayang yung time. Bahala ka, di ko iinumin to. Napakatagal kasi. Tapon ko to eh.

Sya: (nainis na) EDI SIGE TAPON MO.

Ginawa ko, nilapag ko sa daanan. Tas di nya kinuha. Edi lalo akong nainis. Kasi pinanindigan nya yung sinabi nya na di nya kukunin. Ihing ihi na din ako palabas palang kami ng SM, sakto may madadaanan naman kami na Mcdo so dun na lang ako iihi. Pagpasok sa Mcdo...

Ako: BAT DI MO BINALIKAN YUNG KAPE, INE EXPECT KO BABALIKAN MO KASI GANUN KA NAMAN DATI.

Sya: Sumosobra ka na ha. Nagsayang kalang ng pera. Bat mo iniwan. Tas sakin sisi kasi di ko kinuha nung nilapag mo sa daan.

Ihing ihi na ko kaya tumalikod na ko tas nagpunta na ng cr. At eto, ang tagal na naman. Alam nyo yung feeling na isang bunggo na lang sakin, maiihi na ko. Ang tagal nung lalaki sa loob, or ewan baka feeling ko lang matagal kasi nga nagmamadali na ko. Paglabas nya dumaan sya sakin:

Ako: Tagal tagal naman mag cr.

Sya: Miss may sinasabi ka?

Ako: Sabi ko ihing ihi na ko, ang tagal mo mag cr.

Sya: (nakatalikod ako non sakanya) Public cr yan. Matuto kang mag antay. Wag kang bastos. Estudyante ka ba?

(Nakita nya kasi ako naka slacks pa pero iba na pantaas ko, since dala ko name ng FEU nag sorry na lang ako, pero kahit nakapambahay man ako or what, magsosorry pa din ako kasi may mali naman talaga ako)

Ako: Kuya sorry ha, ihing ihi na kasi ako. Dala lang ng kabadtripan. Sobrang inis lang talaga. Sorry kuya.

Parang sya yung gumising sakin eh. Sinampal nya ko ng reality. Konting words lang pero salamat sayo kuya. Feeling ko ikaw yung ginamit na instrument ni Lord para pagalitan ako sa pagiging maldita ko at mainipin. Inaamin ko naman na hindi lang ako ngayon nag ganyan, palagi, kahit sa friends ko nagtataray ako. Kaya nasasaktan ko din sila sa mga actions ko. Lagi akong nagdadasal na sana Lord ma control ko na po sarili ko. Na sana humaba pa pasensya ko kasi hindi ko talaga kaya na biglang bait eh. Warfreak, maldita, mataray, mainipin, pikon. Yan ako. After ko magtaray saka lang ako mahihimasmasan na ""ay shet, nagkasala na naman ako"". Dahil din dun sa sinabi ni kuya, bigla akong natauhan at nahiya sa sarili ko. Pati sa boyfriend ko. Pagkalabas ko ng cr sabi ni bf ""Nga pala binalikan ko yung kape mo. Kaso wala na eh pagbalik ko, may kumuha."" Habang ako lutang kasi nahihiya ako hindi ko alam pero ang laking epekto ng scenario sa may CR kanina. Nasa jeep na kami, sinusuyo na nya ko.

Bf: Oh eto na lang, hot choco inumin mo.

Ganyan sya ng ganyan sakin habang nasa byahe pero ako halos hindi ko sya kausapin. Muka na syang tanga, oo, kasi sa tapat namin may magka holding hands tapos sa side ko naman may naghaharutan na couple. Bumaba na kami, di pa din ako nakikipag ayos. Pumunta na ko sa terminal ng jeep na papuntang bahay namin (nga pala hinatid nya lang ako para daw kahit sa second to the last na sasakyan ko eh alam nyang safe ako, gusto nya ihatid ako noon pa sa bahay pero ayoko kasi matatagalan na sya pauwi) hindi ko pa din sya kinikibo. Nagpupuno palang, may time pa ko para bumaba at suyuin na sya pero di ko pa din ginawa. Hanggang sa ayan. Umandar na yung jeep. Naiwan sya. Mag isa. Pauwi. Na hindi ko man lang kinausap. Habang nasa byahe nagtext sya ng ""iloveyou, isipin mo na lang walang nangyari ngayon, ingat ka pauwi. Mahal kita"".

Grabe lang. Grabe yung tyaga nya sakin. Na mahigit isang taon na kami pero yung suyo nya sakin ganun pa din. Sinabi nya na hindi sya nagbago, hindi lang nya ginagawa yung iba nyang dating ginagawa sakin kasi alam nya na nakukunsinte nya ko sa ganun. Gusto lang daw nya itama yung mali ko. At palagi nya kong sobrang pini please na sana habaan ko pasensya ko at babaan ko pride ko. Inispoiled nya ko, hindi sa pera, hindi sa material things, inispoiled nya ko sa time, effort, love at mga bagay na sobrang priceless. Yung ihahatid nya ko sa second to the last na byahe ko para lang masiguro nyang safe ako, walang palya yun, lagi nya yang ginagawa. Na kahit sobrang gabi na sya makauwi, umulan man o umaraw, hinahatid pa din nya ko. Na kahit tanghali pa pasok nya, gigising sya ng 5am para lang gisingin ako sa tawag. Na kahit na 4:30 palang uwian na nya, inaantay pa din nya ko na 9pm ang out. Na kahit na wala syang pasok, pumapasok pa rin sya para alagaan ako. Na kahit na ma late sya sa class nya, hinahatid pa din nya ko sa room ko. Na kahit na nagkakagusto ako sa babae at lalaki, tinanggap pa din nya ko. Kaya minsan di daw nya alam kung tama daw ba na magselos sya sa lalaki at babae eh. Kasi, dapat sa lalaki lang. Sobrang maintindihin, pasensyoso, faithful at tyaga nya. Sobrang mahal nya ko. Samantalang ako. Lagi syang inaaway kahit na 1 minute palang syang late sa mga lakad namin. Gusto ko magbago. Pero ang hirap simulan. Kahit mahirap man simulan, kung mahal mo sya, makakaya mo. Sobrang blessed ko sa GG (God's Gift) ko ngayon. Ako nga, ang hirap intindihin eh pero kinakaya nya at hindi nya iniiwan. Ilang beses nya na din sinalba yung relasyon namin. Sinasabi nya sakin na ""sorry, kung sobrang higpit ng kapit ko, to the point na sobrang ayaw kitang pakawalan. Kasi mahal na mahal kita sobra.""

PS: Hi dada, sobrang thank you sa lahat. Ikaw yung pinakamagandang regalo na binigay ni God sakin. Mahal na mahal kita, pagpasensyahan mo na ang katigasan ng ulo ko. Sorry sa lahat. Hindi ko pina promise na sobrang magiging goodgirl na ko, unti untiin pa natin. Tumino naman na ko kahit papano dahil sayo. Wala sa kung ilang taon na kayo yan, nasa tao pa din yan kung gusto nyo maniwala sa forever, so be it. Kung ayaw nyo naman, may darating someday na isang taong magpapaniwala sa inyo na may forever."

Rawr rawr
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon