Pati lalaki nasasaktan

1.1K 3 1
                                        

Pati lalaki nasasaktan

"Bakit ganun ang mga babae? Pag sila ang nakakasakit akala nila laging okay lang sa ating mga lalaki.

The story goes like this. Yung gf ko di ko maintindihan. Sa totoo lang naguguluhan ako sa kanya. Makatarungan ba na itago nya sa akin yung ginagawa nyang pangloloko. Nanlalandi sya ng koreano para padalhan sya ng pera. Alam ko mahirap yung buhay, alam ko mahirap humagilap ng pera. Sinubukan ko syang intindihin pero nasasaktan ako kahit sinasabi nyang pera lang ang habol nya. Alam ko na sya gusto ko, mahal ko sya kaya kahit paulit ulit akong nasasaktan binabalewala ko na lang. Ngayon umaasa akong magbabago sya. Pero wala na ata akong maasahan dahil ngayon naman sa ktv bar sya nagtatrabaho.Tinago nya nanaman sa akin, pero sya na rin ang umamin nang makaramdam na naghihinala ako. Di ko na alam gagawin ko. Gusto ko syang magbago, pero tama ba talaga na baguhin ko sya? O tanggapin ko na lang sya ng buo at pilit na magbubulag bulagan sa lahat. "

coco martir
2015
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon