"Christmas Break"

1.5K 8 0
                                    

"Christmas Break"

"December 24, 2015

Magcchristmas na syempre maraming ginagawa kapag hapon. Hindi ko nakakausap bf ko. So akala ko okay lang sa kanya, akala ko naiintindihan niya, na talagang busy ako nung araw na 'yon. Mga 9pm saka ko lang binasa mga texts niya 23 messages pa nga yun. Yung mga naunang messages tinatawag niya pa akong ""baby, asan ka na."" ganito ganyan. Puro baby-baby as in tadtad inbox ko. Then yung 2 last texts niya ang sinabi niya.

-Bakit ang tagal-tagal mo. Ano ba yan, kanina pa ako naghihintay ng text mo ni kahit hi wala.. Gusto pa naman sana kitang makita ngayon pero pinaghintay mo ako.

-Wala ba talaga? Ayoko na suko na ako palagi na lang ganyan ayoko na nakakasawa ka na. Oo alam kong maliit lang na bagay to pero puta ayaw ko na hindi ko panghihinayangan tong pakikipaghiwalay ko ngayon kahit magpapasko kayang kaya kong palitan ka ngayon din.

At ayun. Yun yung last text niya. Hindi na niya ako tinext or pinuntahan sa bahay or nagcall, wala. Siguro time na talaga na magbreak kami. Hindi naman pala siya nanghihinayang. In 10 months ngayon pa? Hindi din ako nanghihinayang na nangyari to. Sa totoo lang hindi ako nakaramdam ng konting sakit siguro dahil nga 10mos lang yun pero hayup talaga siya. Mag-isa tuloy akong magwewelcome ng 2016 leche siya. "

Jessy Medyolola
6598
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon