Bawal na pag-ibig.

1.5K 13 0
                                    

Bawal na pag-ibig.

"7 years of friendship.

College na kami ngayon ng bestfriend ko, sa FEU ako nagaaral. Siya naman sa UST. Pero, kahit hindi na kami magkapareho ng eskwelahan, sobrang close pa din namin sa isa't isa. Rivalry ika nga ang schools namin, kasi FEU-UST ang nagtapat sa UAAP MBT Finals.

Ang weird nga eh, sa pitong taon na yon. Ang daming nagtatanong ng, ""Bakit hindi kayo nagkatuluyan?"" ""Bakit kasi hindi nalang kayo?"" Ang sinasabi ko na lang palagi.. ""Kasi, bestfriend ko siya eh."" Hindi ko ba alam. Pero, hindi ko siya magustuhan. Sabi din naman ng iba kong mga kaibigan. Eh nasa bestfriend ko na daw ang ""lahat"", kasi maganda siya. Matalino. Mabait. Halos lahat ng hinahanap ng isang lalake, nasa kanya na. Ilang babae na ang dumating sa buhay ko, pero palagi pa din siya nandiyan para sa akin. Sa mga babaeng yon, nagawa ko siyang iwasan, nagawa ko siyang kalimutan, nagawa ko siyang saktan. Pero sa sobrang bait niya, tinanggap niya pa din ako ngayon kahit ilang beses ko na siya tinaboy.

Ngayon, first year college na kami. Nadadama ko na yung pagbabago. Nagiging matured na siya ng tuluyan, sa pagiisip, pati na din sa pag-ibig. Madami nga kasing nagkakagusto sakanya sa UST. Pero, hindi ko maintindihan. Bakit ako nagseselos sa mga lalakeng napapalapit sakanya? Mali ba? Kung sa bagay, wala din naman akong karapatan. Nadama ko yung pagbabago, kasi parang ""nobody"" na lang ako sakanya. Siguro dahil madami na siyang bagong kaibigan? Pero naiintindihan ko naman, iniisip ko na lang palagi yung tungkulin ko. Dahil ""bestfriend"" niya ako.

Sa pitong taon na pagiging magkaibigan namin, hindi ko maitatago.. Minahal ko siya. Sobra sobra. Mahal na mahal. Nakakatakot lang. Kasi, baka sa mga susunod na araw, hindi natin alam. Baka siya naman ay iwanan ako. Tulad nung ginawa ko sakanya. Kasi naniniwala ako sa karma eh. Pero who knows? Napakaswerte nung lalakeng mamahalin niya ng tunay. Sana hindi siya saktan. Sana hindi siya lokohin. Sana hindi siya iwan. Kasi, hindi deserve ng bestfriend ko yun. Isa lang gusto ko mangyare sa bestfriend ko, at yun ay ang true happiness. She deserve happiness.

Siguro nga, nahuhulog na ako sa kanya. Siguro nga, hindi ko na kayang hanggang mag bestfriend lang kami. Pero, lagi kasing pumapasok sa isip ko na mali. Mali ang mahulog sa kanya. Kasi sayang yung pinagsamahan. Kaya sana, walang manakit sa kanya. Mahal na mahal ko kasi siya. Kahit kailan, hindi yon magbabago. Shinare ko 'to kasi, ayoko na kakalimutan niyo ang bestfriend/s niyo ng dahil lang sa pag-ibig. Isipin niyo na lang kung sino yung unang nandiyan para sainyo. Kasi ako, natuto na ako. Pangako ko sa sarili ko, hinding hindi ko na uli gagawin sakanya yung mga masasamang nagawa ko sakanya."

Bubuyog
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon