We have the same parents!
"Yung story ng Open letter to parents. Dun ako naiyak. Alam ko mababaw lang sa iba pero sobrang nakakarelate ako dun, nakikita ko yung sarili ko dun sa nagshare.
I grew up to a family that is really strict when it comes to everything: sa grades, sa behavior, as in sa lahat ng aspects. Di naman ako babae para paghigpitan. Same goes with my brother. I grew up that I should always make them proud. Nakakapressure sila sa pag aaral. Magagalit kapag bumaba ang ranking sa klase. They were not contented on what I have achieved. Kahit pa ang taas na ng honors ko. Gusto nila number 1. Kailangan daw talunin ko si ganito kaya nga I always end up asking for my classmates score if we already get results from our exam. Minsan nakakainis talaga na kahit anong effort mo, di nila maaappreciate kaya nga kapag kasama sila I'm very quiet and I don't want to share anything to them. Nakakainggit yung iba kong mga kaibigan na ang cool ng parents nila na nagagawa nilang biruin. I felt favoritism in my family din kasi. Yung papa ko, favorite nya yung brother ko tapos yung mama ko favorite nya naman yung sister ko. Kaya ako sa bahay, I have my own world, nagkukulong sa kwarto. May times pa nga na minsan nakakalimutan nila birthday ko. Pero dun sa mga kapatid ko, nagiisip pa sila kung anong celebration ang gagawin. Yun ang masaklap. Feel ko nga ampon ako eh, minsan naghahanap talaga ako ng mga documents sa cabinet para malaman kung adopted lang ako. I can't feel their love and affection to me. Ganun ba talaga pag middle child? Yung kuya ko nga, andami nyang failing grades pero magagalit lang sa kanya ng isang araw, the next day okay na. Tapos may times pa na natutulog ako pero gigisingin ako para utusan lang bumili sa labas tapos makikita ko na lang yung mga kapatid ko na nasa sala nanonood lang ng tv. Kailangan ba talaga ako lahat gumagawa nun. Pati paglilinis ng bahay, sa akin nakatoka.
Naisip ko na din magsuicide at maglayas. Maraming beses na. Di ko lang nagagawang maglayas kasi pag naglayas ako pano na lang ang gawaing bahay. Baka pagdumating si mama at papa sa bahay, maghugas pa sila ng plato dahil baka nakatabak pa lahat ng hugasin sa lababo. Tamad kasi yung mga kapatid ko eh. Minsan nga pagnaiisip kong magsuicide, iiyak kaya magulang ko? Pagod na din kasi ako. Ikaw tong matalino sa pamilya. Ikaw tong masipag pero parang wala ka namang halaga sa kanila. Nakakaiyak na kailangan kong sarilihin yung problema ko. Nahihiya kasi akong magshare sa mga kaibigan ko. Iba din kasi ako pag nasa school, feel nila wala akong problema kasi pagkasama ko sila masayahin ang nakikita nila.
Yun lang. Gusto kong sabihin sayo bro na hindi totoong walng nakakaintindi sayo kasi ako sobrang naiintindihan kita.
""A smile can fake a million of tears"""
Mr. Lonely
2011
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila