Pwet ng Ipis

2.8K 32 0
                                    

Pwet ng Ipis

"Kakatapos ko lang kumain sa hepalane napansin ko may grupo ng lalaki na estudyante rin ng FEU na nakatingin ata sa akin pero di ko pinansin baka kasi hindi naman at di ko na sila tiningnan dahil busy ako sa pag aayos ng bag at wallet ko. Pero narinig ko sabi ng isa sa kanila "" Ay ang haba ng Baba"" sabay may tumawa. May isa pang humirit na ""Parang pwet ng ipis"". Alam kong ako nga pinag uusapan nila, tumayo na ko sa kinauupuan ng nakayuko para di sila makita at patay malisya na di ko narinig pinag uusapan nila.

Aminado naman akong di ako maganda sa pisikal at never ko pa talaga sinabi sa sarili ko yun, hindi na ako nagmamake up dahil alam kong ganun pa rin nman pangit pa rin at di ako sanay, hanggang pulbo lang at lipstick dahil maputla ako. Never ko din narinig sa magulang ko na sinabihan akong maganda at lalo na yung sa akala kong nakita nya yung tunay kong ganda at pinagkatiwalaan ko (ex) sinabi nya ring hindi nya ako kayang maipagmalaki. May pagkakataon pa nga na sinasabihan ako ng mga batang nakakasalubong ko ng ""panget! panget!""

Ang sakit. ang sakit sakit. Pangit man ako pero TAO pa rin naman ako diba? nasasaktan din ako. Hwag nyo naman ipangalandakan kasi sa araw araw ba naman na nakikita ko sarili ko sa salamin imposibleng di ko alam, hindi ko naman ugaling magpa cute kahit na may mga crushes ako kasi alam kong maiirita lang sila pag ginawa ko yun. Sobrang nawawalan ako ng tiwala sa sarili, TMJ/underbite ako kaya ganito ang baba ko at panga ko may solusyon man na maayos to sa pamamagitan ng brace at iba pa pero di kaya ng magulang kong tustusan dahil hindi kami mayaman. bakit ako nasa feu? iskolar lang ako.

Kaya sana maging SENSITIVE kayo kapag may ijujudge kayo, alam ko na hindi talaga maiwasan saatin yun pero wag nyo naman sana iparinig, sarilinin nyo na lang. Hindi nyo alam kung ano ang pwedeng maging epekto nito sa isang tao.. Sakin okay lang to isang gabi ko lang iiyakan pero kinabukasan masaya na ulit dahil andyan naman mga kaibigan ko, dinadaan ko sa tawa ang lahat. Masayahin ako sa harap ng mga tao.

Pero paano yung iba? Paano kapag ibang tao ang nasabihan nyo ng ganun? Paano kapag mahina at dinamdam yun? Paano pala kapag naglead into depression ang simpleng pag jujudge nyo? Andaming pwedeng mangyari sa taong yun."

BabaLa
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon