"JANE" "Miss JANE"

1.5K 11 0
                                    

"JANE" "Miss JANE"

Mga linyang narinig ko mula sa crew ng infinitea morayta.

Nakita kitang papalapit, para akong nakakita ng isang magandang anghel. Tumigil ang mundo, may malakas na hangin na tila tumatama sa iyong magandang mukha. Bumilis ang tibok ng aking puso, hindi maalis ang aking mga mata sa iyo. Napa nganga ako. Ikaw na nga ata ang pinaka magandang babaeng nakita ko.

Ilang minuto na din akong sumisimpleng tingin kay jane. Kapag tumitingin siya sakin umiiwas ako. Ayaw ko kasing isipin nya na nag mamasid ako sakanya. Pero siguro 3 beses narin nya akong nahuling nakatingin sa kanya.

Isang oras ang nakalipas umalis na siya. Pero bulong ko sa sarili ko *kapag ikaw lumingon, akin ka* pero tuloy tuloy parin siya sa pag lalakad. Binuksan ang pinto at lumabas. Ng di ko akalaing lumingon siya nung nasa labas na siya. Hindi lang lingon. May kasama pang ngiti! :"> labis ang tuwa na nadarama ng aking puso ng mga oras na un! Parang gusto kong sumigaw ng "YES! Putang ina! Sa akin siya! Hooooo"
Lumipas na din ang ilang linggo na hindi ko na ulit nakita si jane. Sa araw araw kong pag tambay sa infinitea, nagbabaka sakaling babalik siya pero hindi. Nawalan na ako ng pag asa. Hindi na din ako bumalik.

Pero isang araw, inaya ako ng tropa kong mag infinitea kasi mag chacharge daw siya. Laking gulat kong nandun siya!

Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon. Nilapitan ko siya. Tinanong kung pwedeng makipag kilala. Kung may boyfriend. Sagot nya wala! Boom panes!!! Hooo!

Hinatid ko sya sa klase niya sa EB at un nagkapalitan ng number. ilang bwan din akong nangligaw kay jane. Sinagot nya ako at ngayon mag dadalawang taon narin kami. hart hart!

Alam nyo ba? Kahit mag dadalawang taon na kami, kung gaano ako nainlove sa kanya nung una ko siyang nakita ay ganun parin hanggang ngayon. sa araw araw naming pag sasama mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
Totoo nga talaga ang spark pag tinamaan ka. Makukuryente ka hindi lang ang puso mo pati utak mo. Hehe

Yun lang! Thank you sa readers! Thank you din admins! MORE POWER! :">


Dave
2010
IABF
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon