The day we meth
"""Addiction is an illness, and it pains me to see people forced to live this way because they're unable to help themselves.""
Di ako druggie. NagOJT ako sa rehab sa may Tagaytay. 6 days palang ako sa work nung inadmit sya. Every time na papasok kami sa loob ng bahay at nandon ang mga residents napapatingin ako sakanya, kamuka nya kase yung naging crush ko. Tuwing mapapatingin ako sakanya nakatingin din sya pero parang galit. Di ko alam kung may resting bitchface ba sya o galit lang talaga sya sa mundo ng mga panahon na yon kase nga pinarehab sya.
Makalipas ang ilang linggo, napapadalas tinginan namin pero parang lagi pa din syang galit. There was this time na pinasama kami ng supervisor namin sa rosary pero iba religion ko kaya nagpaalam ako kung pede di ako sumama tapos pinatabi ako nung supervisor naminn dun sa dalawang residents na kareligion ko. Isa sya don. Pag upo ko nginitian nya ko tapos binigyan nya ko ng magazine. Kinabukasan pinasama ulit kami sa rosary kaya umupo ulit ako sa tabi nila. Kinausap ako nung isang resident tapos nakisali sya, bawal magkwentuhan don (bawal kase ang attachment) bawal din magtawanan at mag ngitian ng magngitian kaya saglit lang kami nag usap usap.
Pinag intake interview kami ng supervisor namin, naging client ko sya. Kaya sinulit ko na para kilalanin sya. Para lang kaming nagkkwentuhan. Merong part ng interview na kinilig talaga ako.
Non-verbatim
Me: How do you express your feelings? Your emotions? Halimbawa, anong ginagawa mo pag masaya ka? O kaya pag malungkot ka?
Him: *smiles* Ganto?Tapos tumawa sya. Tumawa din ako. Pati puso ko tumawa. Yung ngiti nya yung saktong sakto sa ""he smiled showing his perfect white teeth"" na line sa mga novel. Nung sinabi ko sakanya na tapos na yung interview sabi nya ""Sige, kita nalang tayo sa pagsamba paglabas ko dito"". Ngumiti ako. Ngumiti din puso ko. Hahaha. After ng interview na yon every time na magkikita kami palihim kaming mag ngingitian (bawal nga kase ngumiti don). Minsan magpapanggap pa kong naiihi para lang makita ko sya, sinasaktuhan ko pa na lunch nila or meryenda para sure na nandon sya. May time na muntik na syang mahuli. Yung isang resident kase nakatingin pala sakin e nag ngitian kami buti saktong palingon palang sakanya yung resident nung nag-ayos sya ng monoblock. (Uso kase sumbungan at silipan ng mali sakanila)
Ngayon, tapos na internship ko pero yung nararamdaman ko di pa tapos. Haha. Di ko makalimutan mukha nya nung nagbabye kami sa residents. Nakatitig lang sya sakin, hindi sya ngumiti. Huling kita ko nalang sakanya pero di sya ngumiti.
Alam kong sobrang maliit lang yung chance na magkita pa kami pero sana, sana paglabas nya sa rehab makita ko sya. Tapos maging magkaibigan kami. Kahit magkaibigan lang! Kahit mafriendzone ako okay lang! Hahaha"
Cumbercollective
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Cavite