Brocode

1.2K 5 0
                                        

Brocode

Nag away kami ng bestfriend ko dahil sa babae. Ex ko na sinalo niya pa. Brocode kasi. Kapag ex na ng tropa, wag ng patulan pre! Respeto naman. Kahit sabihin nating past na yan, di ganun kabilis mawawala yung pagmamahal.

Halos limang bwan kaming hindi nagpapansinan. Masakit sakin kasi siya ang kaisa isa kong bestfriend sa buong tropa namin yet siya pa tong nang traydor. Pero ilang beses nya na kong nilapitan para makipag ayos pero galit parin ang nangingibabaw sakin eh. Parang gusto kong basagin ang mukha nya tuwing nakikita ko siya.

Hanggang neto lang birthday ko dumating siya para humingi ng tawad. Ayaw kong pansinin pero hinila ako. Wag daw akong parang babae na hindi kumikibo.

Nagka suntukan kami. Pero yung mga tropa naming iba hindi kami inawat. Basagan talaga kami ng mukha. Na blackeyean ako basag naman ngipin nya sa harap. Pero after nun okay na. Nailabas na namin lahat ng hinanakit namin sa isa't isa eh.

Nag sorry siya. Sorry din ako. Yakapan. Bestfriend na ulit.

PS: Lesson: Brocode mga pre. Keep this in your minds. Kapag ex or current gf ng tropa, wag ng pormahan. Maraming babae dyan pero tunay na tropa mahirap hanapin yan.

JJ
2011
Other
FEU Tech

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon