GAMER

1.7K 21 3
                                        

GAMER

"Hi kuya/ate na nag post ng ""Pasa"" na story. Gusto ko lang sabihin sayo na di lahat ng na a addict sa gaming mapa dota/lol/csgo e di na aasenso sa buhay.

Aaminin ko addict din ako dati sa computer games. Nagsimula to nung grade 4 pa lang ako. Dumating sa point na akala ng ibang taga samin na lumipat na ako ng bahay dahil dun ako sa computershop dumidiretso after school. Pinagalitan ako ng nanay ko nun. Pinagbantaan na papatigilin sa pag aaral gaya ng kuya ko (similar din kase sya sa kuya mo sa story- pinang computer games ang tuition, etc.) Natakot ba ako? Medyo, haha pero tumigil ba ako sa paglalaro? Hindi, patago pa rin akong naglalaro nun hahaha.Hanggang ngayong 23 (10years na akong nag do dota->dota2) na ako. Naglalaro pa rin ako. Ranging from 3-8 hrs ako naglalaro depende sa available time ko at kung may makakalaro.

Ngayon ang tanong: Napariwara ba ako? Nope, grumaduate naman ako on time, pumasa ng board exam at faculty ngayon sa FEU. Ngayon may pambili na ako in-game items sa dota 2. Hahaha. E yung kuya ko? CPA na sya at nagwowork ngayon. Dumating din sya sa point na realize nya na kelangan nya tumino para sa sarili nya. Nasa tao kase yan kung magpapalamon ka sa computer games na yan.

Ngayon para naman sa mga naaadik sa computer games. Mag-aral muna kayo. Pwede kayo maglaro pero lagyan nyo ng limitasyon. Wag nyo gawing rason sila dendi, mushi, at iba pa(unless 8k mmr mo gaya ni Miracle) para di na mag aral at mag focus sa gaming. Tapusin nyo muna pag aaral nyo. Para pag sumasahod na kayo e may pambili na kayo ng mga skins at arcana gaya ko. Hahaha.

Ps: baka sabihin nyo nag dota or lol lang ""gamer"" na. Naglalaro din ako ng ibang games. Nag focus lang ako sa dota 2 dahil mas competitive.
Dota 2>LoL *grabs popcorn* HAHAHAHAHA. Hanggang dito na lang. Salamat admin smile emoticon"

bennIGN
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon