Papa

1.2K 20 0
                                    

Papa

"Wala kang mararating sa pag babasketball mo! Pag aaral ang atupagin mo g*go!" -Papa

Papa, aaminin kong masama talaga ang loob ko sa inyo noon. Palagi niyo akong dino-down. Palagi niyong sinasabing wala ako mapapala sa pangarap ko. Ikaw ang unang unang kritiko sa mga nagagawa ko. Ilang beses mong binabasag ang mga trophies na inuuwi ko. Itinatapon ang mga medalya ko. Papa, lalake ako pero gabi gabi ako noong umiiyak. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa inyong masama para saktan niyo ako ng ganon. Gabi gabi ko ring iniisip na bakit ikaw ang tatay ko? Sana iba nalang. Sana yung tatay na supportive nalang sa pangarap ng sarili niyang anak. Sana hindi nalang ikaw. Papa, kung alam mo lang, ilang beses kong pinapangarap na kahit minsan sana maging proud ka saking anak mo. Sana kahit minsan man lang i-motivate nyo ako o kahit marinig ko lang na masaya kayo sa mga blessings na natatanggap ko.

Kapag natatalo ako lalo niyo akong pinapawalang pag asa sa mga salita nyong kagaguhan lang ang pag babasketball. Katangahan. Walang magandang maidudulot sa buhay ko.

Pero papa, gusto kong malaman niyo na kahit minsan hindi ako nag tanim ng sama ng loob sa inyo. Lahat ng natatamasa ko ngayon, kayo ang inspirasyon ko.

Kung nabubuhay lang kayo, gusto kong ipakita sa inyo na hindi totoong walang maidudulot na mabuti ang pangarap ko sa buhay ko. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi niyo pinalakas ang loob ko noon na kahit tutol kayo, ipaglalaban ko 'to.

Papa, kung noon nangangarap ako na matanggap niyo ang pangarap ko. Ngayon, nangangarap ako na sana kahit minsan makita kitang nanonood sa mga laro ko.

I love you Papa!

Anonymous PBA player
20xx
not disclosed
not disclosed

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon