Mr. Potter
"I never thought na sa kabila ng pinagdadaanan kong sakit sa puso ay may isang taong makakapagbigay ng kakaibang excitement sa sa buhay ko. Si Mr. Potter. Classmate ko sya sa law subject. Naka salamin sya at may pagka Chinese-British features na parang si Harry Potter. Nung una amazed lang ako sa kanya kasi pag mga times na may questions ung prof namin tanging sya lang ang may lakas ng loob na magtaas ng kamay at sumagot sa prof namin. In straight English pa ah. Well, mabait matalino, mayaman at gentleman ang lolo nyo. Kaya hindi na ako nagtaka nung time na tinanong ako nung friend ko kung sino ang crush ko, si Mr. Potter ang sinagot ko.
Kaya ayon, sa tuwing makikita ng mga kaibigan ko si Mr. Potter tatawagin nila ako at ituturo siya. Minsan naman pag nasa malapit lang sya ung mga lkoloko kong kaibigan nagkukunwaring nauubo. Okaya naman tila sirang mga ngumingisi sa akin. Pero wag ka deep inside kinikilig din naman ako.
Nung una pinipigilan ko pa pero sabi ng mga kaibigan ko sa akin ok lang daw un crush lang naman eh.. Kaya ayon! Dumating ung time na mukha na akong stalker.
After ng law subject namin nakaabang ako sa labas ng room para lang makita sya ng malapitan. Yung isang klase namin na sa eb nagr-room kahit pa medyo mataas na floor un naghahagdan lang ako kasi sa baba ng room namin ay ung room nila. Yung room namin after ng klase namin sa rizal ung katapat non un ung room nila kaya pag malapit nang magtime nakatanaw na ako sa labas ng room, hinahanap sya.
Sa mga times na yun madalas ko din naman syang makitang nakatingin or napapatingin sa akin. Ewan ko lang kung dahil nahahalata nya na crush ko sya o dahil sa mga kaibigan ko obvious din minsan. Pero may mga times din naman na sya mismo ung lumalapit. Like yung isang room namin sa eb malapit sa connecting bridge papuntang nb. May fountain don. Eh madalas kc sa labas kami tambay kaya madalas ko ding nakikita si Mr. Potter na pumupunta don. May time pa na uminom ako sa fountain pagtalikod ko sya ung nasa likod ko! Nagulat talaga ako at napa-""uy!"" Ngumiti lang sya... Syems... Taz ung mga kaibigan ko tawa ng tawa lang sakin. Langya!
Nagtry din ako na i-add sya sa fb and guess what? Inaccept nya. Nagkachat kami at hiningi nya ang no ko. Agad-agad din non tinext nya ako. Then the next day na makita ko sya sa canteen, though isa din un sa place kung saan ko sya inaabangan at pasimpleng sinusulyapan, ay may unexpected na nangyari. Dahil ung pasimpleng sulyap ko sa kanya ay nakatingin pala sya sa akin. Ngumiti sya at nag hi with matching kaway. Sobrang nanindig ung balahibo ko non. Namental block at... Stun... Pero pinilit kong makarecover agad. Ngumiti ako at nag hi din pahabol pa ung kaway ko. Pag alis nila.. as in maputol ung litid sa pagpipigil tumili ung katabi ko. Haha! Oo ung katabi ko. Mas kilig na kilig pa sya sa akin. Nafeel nya daw ung kilig ko eh. Na shock talaga ung buong grupo namin. Pero kakaibang saya talahaga ung naibigay nya sa akin mula nung iaccept nya ung friend req ko hanggang sa time na nagbabatian at nag-usap na kaming dalawa.
Pero back to reality na.. Kc dumating na yung time na kailangan ko nang magdecide. Tulad ng nabanggit ko sa simula na nasa stage ako ng sakit sa puso. Kakabreak lang namin non ng 3yrs bf ko. Though mutual ung break up kc kailangan. Dumating sa point na hindi daw pala nya kaya. Natatakot sya na baka hindi ko sya mahintay kaya nakikipagbalikan na sya. That time alam kong wala naman talaga syang dapat na ikatakot dahil sya lang naman talaga ang mahal ko.
Nung time na makilala ko si Mr. Potter broken ako although naiintindihan ko nmn ang reason ng break up namin, masakit pa din. Alam ko. Parang ginawa kong panakip butas si Mr. Potter. Kaya nga nung time na alam kong magkakabalikan na kami ni bf todo na ang iwas ko sa kanya.
Mas mabuti na un bago pa mas lumalim ung reason kung bakit nya ako binigyan ng attensyon ay putulin ko na agad un. May mga times na nakatingin sya sa akin pero kunwari hindi ko alam. Di na din ako tumatambay sa labas ng room pero sinabihin nung iba kong friend na hinahanap ako ni Mr. Potter. Pero ginagawa ko lang ang tama... Dahil kung hindi baka mas masaktan ko pa sya...
Alam ko magiging masama ang tingin sa akin ng iba sa kwento ko. Pero ang dahilan kung bakit ko ginawa ito ay para mag sorry kay Mr. Potter. Sorry kung nagulo ko ang nananahimik mong buhay. At thank you. Thank you sa pagdaan mo sa buhay ko. Saglit man ay may malaking impact naman un sa buhay ko. Sana makahanap ka ng girl na magmamahal sayo ng lubos.
At sa bf ko... 6 years na kami. Alam kong grabe ung test na un sa atin pero kinaya natin. Marami pang darating kaya dapat magpakatatag lang tayo.
At maraming salamat sa lahat ng nagbasa nito. Gusto ko lang iparating sa inyo na sa bawat tao o pangyayari sa buhay natin may dahilan. Sa una hindi mo maiintindihan pero sa huli marerealize mo na lang."
Emih
2009
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila