Young Professor
"Sa FEU din ako graduate, then pagkapasa ko ng board nagapply agad ako para maging professor sa FEU-IT. Sa awa ng Diyos natanggap naman, ang problema lang kasi nating mga newly grad e mukha tayong bata, kaya madalas napagkakamalang ""nene"" at ""totoy"" pa sa industriya. Habang professor kasi ako contractor din ako (taga-gawa ng bahay), e one-time may eksena sa bank, lalaki yung teller na mejo malambot:
Teller: Hi sir!
Ako: Hi magpapapalit ako ng check. *sabay abot
Teller: (hindi maipinta ang mukha sa duda) bakit naman ganito kalaki yung inissue na check sainyo ni Mr. T? (pabalang)
Ako: Ay pasensya na di ko masasabi kasi gustong maging confidential nung may-ari.
Teller: Dalawang ID nga. (pabalang nanaman)
Ako: (kalmahan gaming lang tayo) eto po *abot ko PRC license ko as engineer at student driver's license*
*kaso di nya chineck akala nya driver's license lang yung PRC ko*
Teller: ay sir kulang to, isa pang ID
Ako: e diba dalawa lang ang required sa ganyang papalit ng check?
Teller: e di niyo to makukuha bahala po kayo (pabalang nanaman!)
Ako: (gusto ng magbeast mode) *abot ng ID bilang professor sa FEU* o ayan, professor lang naman ako sa FEU, sapat na ba yan?
Teller: (pahiya konti) ay sir sorry pero wala po kaming gantong amount ngayon
*biglang pasok si manager
Manager: si Sir N ba yan? Sir sorry di ko alam na kayo na pala yan. naverify na po ni Mr. T yung pag issue nya ng check, eto na po yung cash pasensya na po
Teller: (namumula na sa sobrang pahiya, speechless)
Ako: With all due respect sir, ganito po ba ang tinturo niyo sa mga empleyado ninyo? Ang sumagot ng pabalang kapag di niya feel ang client? Ang i-judge ang clients nyo through age and appearance? Panu nalang kung kailangan na kailangan na nung tao yung pera kasi mamamatayan siya tapos ganitong teller ang makakausap niya, magsisinungaling na walang pera ang banko niyo dahil lang sa judgement niya? Sana po ayusin niyo yan, ikakabagsak ng bank niyo yan. *sabay kuha ng cash at alis*
Kaya sa mga gagraduate na jan, o kukuha ng board exams, wag niyong hayaang maliit-liitin lang kayo sa industry. Lalo na't gumraduate tayo sa one of the best university sa Pilipinas. Taas noo, ipaglaban niyo, Tamaraw tayo!
Sa pag-ibig nga age doesn't matter. Sa business pa kaya?
Are there any questions? None? Good. Thank you for coming and God bless you all. CLASS DISMISSED."
Sir. N
2010
Other
FEU Tech (FIT)