Most embarassing moment
Nagkaroon kami ng pustahan ng bestfriend ko. Natalo ako. Ang dare niya is, bumili raw ako ng condom sa 7/eleven. Kapag hindi ko ginawa, multa ng limang libo.
Papasok ako ng 7/eleven nanginginig na ako. Hinintay kong mawala ang tao sa cashier saka agad agad akong pumunta dun. Tingin kaliwa at kanan. Sabay turo. "Pabili nga ho nun." (natatakot akong banggitin dahil awkward)
Cashier guy: Alin ho?
Ako: "Yun oh!" *turo sa condom*
Cashier guy: Alin ho dito? Itong yosi? (nahihirapan siguro siyang isipin dahil unusual na babae ang bumibili ng condom)
Ako: Yun nga ho kuya oh.
Nang biglang may nag salita na boses lalake mula sa likod ko.
"YUNG CONDOM DAW HO."
Pag lingon ko. Pakinshet! Yung president ng organization namin na crush na crush ko. T*** %#*! Nakakahiya!! Natulala ako sabay takbo nang di namamalayang hawak pa ang condom. Hinila pa ako ng guard pabalik dahil akala shoplifter ako. Binitawan ko sa table ung condom sabay takbo palabas! Dafudge!!! Yung bestfriend ko tawa ng tawa habang pinapanood ako sa loob na mamatay matay sa kahihiyan.
Hindi tuloy ako makatingin sa president namin na yun tuwing makakasalubong ko. Pakshet! Nakakahiyaaaaaa! Hayop ka bff! Pahamak kaaaa! Iisipin tuloy ni crush pa-ano akong babae. Mygad! Birhen pa ho ako!!!
Shea
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila