Ohhh Chinita
"Ohh chinita.
Meron akong nakakasabay kumain sa lerma, siguro ilang beses ko na din siyang nakakasabay nun pero hindi ko lang napapansin. Pero nag bago ang lahat, hindi ko alam kung bakit ? kusa na lang eh. Yung sa tuwing kakain kami ng friends ko dun sa lerma, laging siya agad yung hinahanap ko kung nandun ba siya, ano bang meron bakit nagbago lahat ? hahaha tapos sa tuwing kakain kami dun at nandun siya parang ang saya saya ko ? Kahit badtrip ako o wala sa mood that time nagbabago eh para bang gumagaan yung pakiramdam ko.
At one time habang nakapila ako sa harap ng 7/11(pila para sa mga sasakay ng fx), nakita ko siya at ako naman edi ang saya ko lalong lalo pa eh ilang tao lang ang layo ko sakanya ang saya saya ko that time kasi makakasabay ko siya, kaso yun nga lang after ng ilang minutes dumating yung bf niya para bang gumuho ang mundo ko that time pero sa isip isip ko okay na yan kasi makakasabay ko naman siya eh. after ng ilang minutes nakasakay na kami at nasa byahe na, habang nasa byahe kami biglang nag soundtrip si kuyang driver at maya maya sumabay siya. Oh shet! sumabay sa kanta si ate ang ganda ng boses niya. mala anghel ang boses niya, pero naalala ko bigla may bf na pala si ate at kasama pa niya.
Mapaglaro talaga ang tadhana, papasayahin ka pero maya maya gagawin ka ding malungkot. Aray ko! tska Hello nga pala kay ate ang ganda mo po at ang ganda pa ng boses mo smile emoticon "
Mr. C
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
