Breezy or Real?

1.9K 23 0
                                    

Breezy or Real?

"There is this boy na kaklase ko sa isang subject. Free sec siya. The first time i saw him nagka-crush na ako sa kanya. Siya kasi yung tipo na kahahangaan naman talaga. Gwapo, mabait, mukhang mabango. You know it girls, typical type ng mga nagiging crush natin.

So ayun, hindi na ako nagpabebe, siyempre hinanap ko siya sa fb at inadd, inaccept naman niya agad. Syempre ako ulit nauna nagchat hahaha! I said ""Hi"" then siya ""hello"" hanggang sa humaba na convo namin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya at feeling ko ganun din naman siya sakin.

Kung ano ano nadin napag-usapan namin about life. We shared our stories. Hindi ko nga akalain na magiging ganto kami kaclose, pero yun nga, sa chat lang.

Pero eto talaga problema ko. Hindi nawawala yung pambbreezy niya sakin. As in every time na magkachat kami lagi siyang may jokes or punchline na nakakakilig naman talaga. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ang crush mo lang dati eh nambbreezy na sayo ngayon? Lupet diba? Hahaha. At sa bawat pagpapakilig niya ako etong nahuhulog. Nakakainis kasi alam ko naman na hindi totoo ang mga sinasabi niya at nanggogood time lang siya, pero bakit ganun?! Tangina ang hirap. Nagaassume lang ba ako na may gusto rin siya sakin? O meron talaga?

Bakit ba kasi ang hilig niyong mga lalake magpa-fall? Kung alam niyo lang na ang hirap sa aming babae na magpigil ng nararamdaman pero babae kami eh, onting pakilig, talo.

So GUYS eto lang tanong ko, may gusto ba sakin yung hinayupak na yun? O good time lang lahat ng ito?"

Assumera
2014
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon