PNR
Sa PNR dun mo masusubok ang iyong tibay ng sikmura sa sari-saring nakakasulasok na amoy. Mga tao pero amoy hayop. Amoy paa, putok, pawis, lupa, tubig, hangin, apoy parang avatar lang hahahah at kung anu ano pa.
Sa PNR dun mo masusubok ang iyong tunay na katatagan. Papasok kang simpleng tao, lalabas kang mandirigma.
Sa PNR dun mo mararanasan ang trust issues. Yung phone ko nasa bulsa ko, pag hawak ko ng bulsa ko may kamay, hinihila ko yung kamay para malaman kung kaninong kamay yun pero sa sobrang siksikan biglang naglaho ang misteryosong kamay kasama ang cellphone ko.
Sa PNR dun mo maiimprove ang pasensya mo. Sa mga naniniksik, naniniko at biglang maninikmura sayo. Mga baklang pasimpleng manghihipo at ididikit ang taguro sa pwetan mo.
Sa PNR dun mo masasabing AYAW MO NA pero wala kang magawa kasi wala kang choice.
Huhuhuhu ayoko naaaaaa!
Pasahero
2008
Other
FEU Tech