SABAW MOMENT
Finals nun. Pigang piga ang utak ko kakabasa ng sandamakmak na libro at hand outs sa iba't ibang subject na tini-take ko.
Wala ding tulog at pakiramdam ko kape ang dumadaloy sa katawan ko at hindi na dugo. To be honest, wala ako sa sarili ng ilang araw dahil sa sobrang sabaw.
At eto ang epic na nangyare.
Pumasok ako nun na umaambon so nagpayong ako. But not only outside the campus, not only outside the corridors but inside corridors and inside the classroom pumasok ako ng naka payong. Astig diba? Tangina. Hahaha.
Kaya pala sa peripheral vision ko nagtatawanan ang mga nakakasalubong ko pero wala akong pake sa kanila. Malay ko bang ako na pala ang tinatawanan.
Natauhan nalang ako nang pag pasok ko ng classroom at nakapayong pa ako sabi ng Prof ko..
"Oh Mr. Rodriguez, mukhang malakas ang ulan sa labas ha?"
Me: Yes ma'am.
"Malakas din ba ang ulan sa loob ng corridor at classroom?"
Sabay tawa mga kaklase ko.
Pakshet! -____-
PS: Classmates, wag niyo na kong i tag dito. Oo. Ako na! Ako na ang sabaw!
Rodriguez MT
2013
Institute of Arts of Sciences (IAS)
FEU Manila