Ito na ang huli
"Para sa bawat gabi na hindi nagpapatulog saakin dahil sa sakit na nadarama mula sayo. Para sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko na kahit minsan hindi mo nasagot. Para sa mga oras na nasayang na ginugol ko kakahintay at kakaabang na ako'y iyong kakausapin. Para sa pagmamahal na binaliwala, pagmamahal na ibinibigay kahit wala natatanggap pabalik.
Pagmamahal na inilaan para lamang sa isang tao pero walang ibang ginawa kundi mang gago.Ito na ang huling pagluha ko para sa maling tao na kagaya mo.
Ito na ang huling iisipin kita dahil ngayon sarili ko naman uunahin ko.Ang tanging alam ko lang ako ay wasak ngunit ito narin ang wakas."
Broken Smile
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila