Binasa ng Tsuper

1.9K 20 0
                                    

Binasa ng Tsuper

"Naaalala ko pa rin noong first year ako, naglalakad ako pauwi at naka PE uniform ako. Umuulan non at todo ingat ako sa paglalakad para iwasan yung mga malalaking puddles para di gaano mabasa yung sapatos ko.

Tapos biglang may dumaan na humaharurot na jeep at sa kasamaang palad napadaan yung jeep sa may malaking puddle at kamalasan na ako yung nakatapat doon.

Ayun, umuwi akong basang basa, bewang hanggang sapatos. Ramdam na ramdam ko yung medyas ko na basa at ang squishy ng tunog sa sapatos ko habang naglalakad. Hiyang hiya ako, andaming nakakita, karamihan pa thomasians. Put*ngina nung tsuper na yun bwiset. Buti nalang hindi ako papasok ng school kundi hindi ako nakapasok."

team LB-A sa EXOluXion
2013
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon