Pogi Natotorpe Din

6.9K 103 5
                                    

Pogi Natotorpe Din

"Last sem, sa speech class namin. Merong isang babae na nalate sa second meeting namin sa speech. Medyo matangkad siya, di gaanong kaputian, medyo ma-make up pero nakakaagaw talaga ng atensyon ang kanyang kagandahan. Sabi ko nga sa sarili ko ""sana wala pang boyfriend tong si ate"" whahaha. At umupo na siya sa may bandang dulo ng classroom.

Tapos nagtaas siya ng kamay dahil late enrollee daw siya kaya wala siya sa seating arrangement. Nakakatuwa lang siyang tignan kasi palagi siyang naka ngiti sa mga tao.nakakainlove naman tlga!

Habang tumatagal, umiingay na si ate. Yung tipong pag may biruan sa room eh kung makatawa wagas! Parang wala nang bukas. Lagi siyang nalelate sa klase at pambubgad niya samin ay ang matamis niyang ngiti kahit siya ay pawisan na siguro tumakbo papuntang classroom haha.

Midterms namin nung pinagawa ng prof namin na parang QA ang aming midterms. Yung tipong bubunot ka ng tanong at kailangan mo yon sagutin. Lalong nakuha ni ate ang aking atensyon nung siya na ang bumunot ng tanong. Ang kanyang tanong ay parang ""what is your most memorable movie line"" ang kanyang sagot ay ""I need an explaination, I deserve an acceptable reason"" kaming lahat at napatawa kasi nadadala kami sa smile niya. nagsimula na siyang magkwento sa klase. Yun pala may nakaraan si ate na iniwan siya nung lalaking minahal niya dati napaisip ako na pati pala ganyang babae iniiwanan din. Ang mga babae dapat inaalagaan yan ng mabuti kung ayaw niyo naman pala siyang alagaan pang habang buhay wag mo nang balakin pa na ligawan yan o mas magandang wag mo nalang din yang kausapin pa kung balak mo lang din palang hindi siya pasuyahin pa.

Natapos ang sem nang di ko man lang siya nakausap ng personal _ kahit pala mga pogi natotorpe din

Sana ate maging classmate ulit kita kaso ang alam ko tourism student ka, e ako HRM _

Araw araw padin akong umaasa na makikita kitang muli"

Kuya pogi
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila




The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon