Notice to public!

1.9K 34 2
                                    

Notice to public!

Guys gusto kong i-share ang isang nakaka p*tang inang pangyayari sa buhay ko. Maging babala narin ito sa lahat lalo na sa mga mahihilig kumain sa fastfood restos.

Dec. 4 nasa isang kilalang fastfood resto ako sa Makati habang hinihintay ang girlfriend kong dumating. Ka-text ko girlfriend ko the whole time. Hindi muna ako umorder kasi gusto kong sabay kami at ayaw kong malamig ang pagkain pag dating niya. Sa likod ko merong babaeng mag isa. Sa gilid ko may lalaki. Dumating palang ako pansin kong ang dalas tumingin sakin nung babae. Medyo nakakapang hinala pero hindi ko pinansin since babae siya at medyo matanda narin range 30-36. Napansin kong madalas din silang mag tinginan nung lalaki sa tabing table ko. Di ko nalang din pinansin.

Hanggang sa mga nasa 30 mins na akong nag hihintay biglang tumayo yung babae. Sumisigaw. "MAGNANAKAW" "MAGNANAKAW" sigaw nung babae sa likod ko. Pag lingon ko ako ang tinuturo niya. Lahat ng customer nag tinginan samin. Yung babae ang lakas ng boses. Pinag bibintangan akong magnanakaw. Then itong si lalake na katabi table ko kunwaring tinanong yung babae gamit ang malakas na boses na halata mong sinadya pra marinig ng iba pang mga customer. Yung babae tinuturo yung hawak kong cellphone which is sakin. T*ngina. Padala ng parents ko. Pumapalag ako na "Anong sayo? Akin to manang!" Hanggang sa nagkakainitan na. Napapamura nako sa galit kasi tangina napansin kong pinagkakaisahan ako nung babae at lalake. Yung lalake inagaw yung cellphone ko saken tas binigay dun sa babae na umiiyak kunware.

Nagsilapitan yung mga gwardya, crew at mga lalaking customer at kinuyog ako. Yung babae agad agad umalis dala ang cellphone ko. Nang nag eexplain ako sa kanila pti yung kasabwat na lalaki bigla nalang din nag laho ng parang bula. T*ngina ako biktima ako pa kinuyog! Ayun tangay cellphone ko.

Ngayon dinemanda ko ng physical injury yung mga p*tanginang gwardya at yung iba pang crew dun sa fastfood na sumama kuyugin ako! Ayaw i-public ang cctv pero hawak na ng pulis. T*ngina! Tatanga tanga! Mga uto uto! Ilang beses kong sinabing ako ang biktima pero nagpadala ang mga gago sa arte at iyak nung walang hiyang matandang yun!

Tanga niya pina block ko na sa apple yung phone. Asa siyang magagamit niya yun.

Kaya kayo mag ingat kayo. Mag silbing aral sa inyo tong naranasan ko. Dumarami na talaga mga walang hiya ngayon kahit babae na matanda walang hiya narin.

Joel
2011
Other
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon