Multo

2K 19 9
                                        

Multo

Hindi naman sa nabubwisit ako sa mga takot sa multo, pero may mga panahon na nakakainis na. Yung pag nagkwento kayo ng nakakatakot meron talaga yung kakapit ng sobrang O.A sa kasama. Meron ding bago pa lang matutulog sa ibang lugar anu ano na ang pumapasok sa isip. Tapos iyong konti kaluskus lang na marinig eh matatakot na at baka raw multo. The Heck! Ang mas malala pa eh iyong lalaking mas matatakutin pa sa babae. Kung tutuusin wala ka naman dapat ikatakot sa multo eh. Dahil hindi ka naman ni magagalaw o masasaktan, lalo na't wala ka namang ginagawa sa kanila. Konting payo lang sa mga matatakutin. Mas matakot kayo sa buhay, dahil kaya kayong hawakan. Kaya ng buhay na tao na pumasok sa bahay nyo at pagnakawan kayo. Kaya nilang pumasak sa mga bahay at patayin ang buong pamilya nyo. Kaya nilang hawakan kayo sa daan at pagnakawan. Kaya nilang hawakan kayo at pagsamantalahan. Kaya nila kayong saktan physically and emotionally para doon sa mga broken hearted. So sana naiintindihan nyo iyong point ko. As long as wala kayong ginawang masama sa multo or hindi naman kayo iyong pumatay sa multong iyon, bakit kayo matatakot? Hindi naman nila kayo magagalaw eh, at isa pang bagay kayo lang din ang tumatakot sa inyong sarili. Kaya't wag nyong sisisihin ang multo kung nadapa kayo sa pag takbo, okey? That's all, thank you. kiki emoticon

Joj
1004
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon