Sorry

5.8K 66 2
                                    

Sorry

"Pls FEUSF Pakipost po. Gusto ko lang magsabi ng saloobin ko para sa magulang ko. Gusto magsorry although nakapagsorry na ko sa inyo pero di sapat yun sa ginawa kong kasalanan sa inyong dalawa. So eto na nga. Uumpisahan ko na.

Ganto kasi, lecheng pusthan yan eh. Kaya nagawa ko to dahil sa pustahan. Nanalo hanggang sa natalo ng malaki. Di ko alam gagawin ko nun. Di ko alam kung pano ko babayaran. Ang dami daming gagawin pero sobrang mali ang ginawa ko. Niloko ko sarili kong magulang.

Isang araw nagtext ako sa magulang ko, na kulang tuition which is pinaggawa ko sa recto. Alam niyo naman ang recto ""Nothing is Impossible"". So ayun pina kita ko ang resibo naniwala sila. Pero tatay ko hindi kasi napansin niya agad na nabubura ung OR Number.

So ayun, galit na galit sila sakin. Ung lolo't lola ko galit rin sakin dahil sa ginawa ko. Ako pa naman paborito ng grandparents ko. Lagi nilang sinasabi na magkakaroon na daw isa ng Eng'r na apo. Magagawan ko na daw sila ng bahay sa Bicol. Naiiyak ako. Maski tita ko sa Manila nadismaya sa ginawa ko. Spoiled din kasi dun. Kahit na di ako nanghihingi kusa nila akong binibigyan.

Sobrang swerte ko na nga talaga noh? Siguro naghangad lang ako ng mas madami pa. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanila. Akala nila 3rd yr na ko pero nalaman rin na 2nd yr palang. kaya ayun galit na galit.

Matanda na tatay ko malapit na magretire nanay ko paside-line side-line lang. Ung boss ng tatay ko proud din sakin kasi kala matatapos na ko. Nanay ko pinagkakalat na malapit na rin ako matapos. Hayyy. Nakakapanghina dahil ginawa ko sa kanila yun.

After ko ng class, umuwi ako agad. Pagdating ko sa SM haba ng pila sa terminal kaya naisipan kong mag lakad simula SM hanggang samin. Malapit na ko sa st. namin. Naisipan kong maganticipated mass 6:30 kasi yun. Edi nag simba ako. Nakita ko may pari sa confession room. Nagkumpisal ako, face to face with father, Syet. Habang nagsasabi ako ng kasalanan ko naiiyak ako kay Father. Alam niyo sobrang tuwa si Father kasi di ako naduwag magsabi ng mabibigat na kasalanan. And di ko makakalimutan na sinabi ni Father ""This is the greatest Christmas Gift that will you receive."" Ayun tuluyan na kong naiyak. After ng mass umuwi nako. Niyakap ko si mama at papa. Nagsorry.

Lahat naman binibigay nila para may magastos ako. Sobrang luwag nila sakin pinapayagan akong lumabas umuwi ng late minsan. Nakakapagovernight. Pumupunta sa girlfriend ko kahit late na ko umuwi. Sobrang swerte na pala ako sa kanila.

Kaya ngayon nagdecide sila, Nanay ko gusto akong ipasok sa Phil. Navy para madisiplina ako. Kasi ung tito ko may backer daw. Pagnaka72 units, 6 months training na lang daw. Edi okay rin. Tatay ko, gusto akong patapusin sa engineering pero di na sa FEU sa Letran na gusto.

Last chance ko na ito. kaya sisguraduhin kong makakapagtapos ako ng maayos sa Letran. Para maiabot sa kanila ung diplomang paghihirapan ko at pinaghirapan nilang pag aralin ako.

Lahat nga talaga gagawin ng magulang para sa mga kagustuhan ng kanilang anak ngunit inaabuso lang natin ito. Kaya sa mga pasaway na anak, magbago na kayo pls. Isipin niyo ung hirap na ginagawa ng magulang niyo para makapagtapos sa pag aaral.

Mama & Papa, Sorry sa ginawa kong kasalanan. Sorry kung sobrang kong tarantado na anak sa inyo. Sorry kung pasakit sa ulo sa inyo. Ewan ko kung bakit nagkaganto ako. Nagsisisi talaga ako na nagkaganto ako sa inyo. Alam ko di niyo ko pinalaki ng ganito katarantado. Di ako magppromise pero magpupursigi akong magtapos ng walang bagsak sa Letran para maging proud kayo sakin. Mahal na mahal ko kayo. Thank you sa pag iintindi sakin kahit pasaway ako. Thank you kasi binigyan niyo ko ng chance tapusin ang engineering. Yun lang. Sorry mahaba. Hahaha. ILOVEYOU MAMA & PAPA.

Thank you FEUSF. "

Dza
2013
Other
FEU Tech (FIT)





The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon