Tinder
"Our right love, wrong time.
Meron kasi ako na nakachat sa Tinder. Taga FEU din sya. Mahigit 1 month kami nagkatext bago kami mag meet. Pinuntahan ko sya sa hometown nya kasi pag dito sa Manila natatakot sya makipagkita hahaha. Edi pag meet namin lagi na kami nagkikita dun sa hometown nya tsaka sabay na din kami umuwi ng Manila.
Nung nandito na kami araw araw kami umaalis. Tumatambay kami sa morayta puro long walks lang tsaka kwentuhan. After ilang weeks naging kami na.Oo parang ang bilis tignan naging kami agad tapos galing pa ako sa break up from a long term relationship. Pero mahal ko sya eh, siya na yung gusto ko. Siya na nagpapasaya sa akin. Masaya ako sa kanya. Siya lagi ko iniisip. Na eexcite ako makita sya. Yung mga ganun bagay.
Nung una masaya relationship namin kaso yung ex ko nagpaparamdam sa akin. Nagtetext tsaka tumatawag. Ayoko kasi makasakit ng tao. Kaya sinasagot ko tawag nya para di sya malungkot. Kaso yung girlfriend ko naman nalulungkot. Naiipit ako sa gitna. Alam ko dapat yung girlfriend ko i priority ko kaso concern padin ako sa ex ko kasi wala syang kaibigan. Ako lang ang meron sya. Kaya ganun na lang din ako mag alala sa kanya.
Dumating s point napaisip ako kung kaya ko na ba ipakilala sa lahat yung girlfriend ko. Lalo na sa family ko, kasi ramdam ko yung ex ko padin gusto nila. Sa friends naman iniisip ko kung ok lang b sa kanila na may bago na ako. Kasi alam ko mas gusto nila ex ko. Sa sobra ko takot mag risk sa relationship namin naghiwalay kami. Napag desisyon namin na pahinga muna. Sya din kasi hindi nya kaya mag take ng risks para sa akin. Hindi din pa sya ready na ipakilala ako sa lahat. Kaya ayun napunta kami sa break up.
Araw araw lagi ako nakatambay sa fb or insta nya. Pag gabi naman. Bago matulog lagi ko baback read ng convo namin sa texts tsaka fb chat. Nakakatuwa lang balikan lahat. Tsaka iniisip ko sana ok lang sya. Sana mag focus sya sa studies kasi graduating sya ngayon.
After ng weeks, eto gusto ko makipagbalikan s kanya. Willing nko nag take ng risks sa amin. Gusto ko ibalik lahat. Ibalik lahat ng nasasayang ala ala namin. Kaso di ko alan kung pano makipagbalikan. Sana gusto nya padin magkaayos kami. Sana mahal pa din nya ako. Di ko alam ano una ko gagawin para bumalik sya sa akin. Sana di pa huli ang lahat. Ano ba dapat gawin para magkabalikan kami?
I love you J!"
Tourist
2011
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila
