Foot Powder

2.5K 34 2
                                        

Foot Powder

"Bago ako umalis ng bahay lalo na kapag may lakad, nakagawian ko ng mag apply ng pulbo sa mukha. Nagmamadali ako nun dahil malelate na kami sa pupuntahan namin. Hindi ko mahanap yung pulbo. *May mga bagay talaga na kung kailan mo kailangan, doon nawawala* Natataranta na ako. Namamadali ako. Lalo tuloy akong nahihirapan na hanapin yung pulbo. Pasigaw kong tinanong si mama.

Ako: Ma! Asan ba yung pulbo? Hindi ko makita.
Mama: Anjan lang yun, kakatapos ko lang gamitin ah.
Ako: Huh? Wala naman ah.
(Medyo nakukulitan na sa akin si mama so siya na ang naghanap)
Mama: Eto yung pulbo o. Dalian mo naman ang kilos. Ang bagal bagal mo naman.
Ako: (Nagulat) Siguro kaba ito ang ginamit mo?
Mama: Oo, pulbo mandin yan.
Ako: Ma, FOOT POWDER yan eh. Okay ka lang?
(Binasa at tiningnan ni mama yung label at nakita yung FOOT POWDER label)
Mama: (Nagulat) Ay okay lang yan. Parehas naman silang POWDER. Di na halata yun.

Natatawa lang ako kasi sa sobrang pagmadali, pati yung foot powder ginawang pulbo sa mukha. Magkaiba pa naman yung amoy ng foot powder sa talcum powder. Ang sakit sa lungsssss hahahaha.

PS *Wag madaliin ang lahat ng bagay. Paglalo mo itong minadali lalo kang masasawi. "

Karbs
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon