Notice to public

2.6K 35 1
                                        

Notice to public

Attention to every student like me especially those who are studying in U-BELT! Guys, please spare some time to read this. This is for the safetiness of everyone.

Before I start, let me give some overview about me FEU student po ako. Second year. Mass Communication.

So here it goes, sa espanya Ministop kung saan malapit ang condo kung saan ako nag iistay. Nagkatamaran na kaming magluto ng mga roommates ko. So lumabas kami. Mga 9pm na yata yun. Apat kami. 2 taga UST, isang UE, ako FEU puro kami babae. Naghanap hanap kami ng makakainan na mura kasi nag titipid din kami para makabayad sa condo at bills. So we decided na bumili nalang ng meal sa Ministop then pag labas namin nasa tapat na kami ng Nitz na sarado na that time at sobrang dilim narin sa lugar merong humarang samin na tatlong lalake. Nag bebenta raw ng imported na pabango. Original daw.

Ako, hindi talaga ako naniniwala. Pero yung isa kong ka-roommate nag try amuyin. Hanggang sa nag try narin yung isa. Nilagay nila sa kamay nila then inamoy. Dalawa nalang kami na hindi nag try. Nag aya ako na umuwi na kasi nga madilim na at natatakot ako sa itsura nung tatlong lalake. So tinanggihan namin sila at naglakad na kami pa-layo.

Mga 10-15 steps palang mula sa lugar na hinarang kami biglang uminda ng pagka hilo yung isang kong ka-roommate at sumunod narin yung isa dahil sa pabango na inamoy nila. Hanggang sa napaupo sila sa kalye sa sobrang hilo. Kaming dalawa na okay pilit namin silang inaakay patayo kasi pag lingon namin papalapit yung tatlong lalaki na nagbebenta raw ng pabango. Nandun kami sa side na pa-liko ng nitz. Walang katao tao ng mga oras na yun. Kahit mga nag aantay ng sasakyan kakaunti at medyo malayo.

Sobrang panic na namin ng kasama ko. Halos hilahin na namin silang dalawa kasi hindi na sila makatayo sa sobrang hilo.

Nang makalapit yung tatlong lalake nag offer na sila daw ang bubuhat sa dalawa kong ka roommate. Syempre ako hindi ako pumayag. "Hindi ho. Kami na ho. Ok na ho kami." Pero nag iinsist yung tatlo. T*ngina sorry for the word pero pinagtutulakan nila kaming dalawa para lumayo at iwanan yung dalawang karoommate namin sa kanila. Maya maya may umistop na puting van sa gilid ng kalye tapat kung saan naka upo yung dalwang karoommate namin. Naiiyak na kaming dalawa ng kasama ko kasi di namin alam ang gagawin. Takot na takot din kami at hindi namin alam kung lalapit kami o tatakbo. Pero pinili naming hindi iwanan yung dalawang kasama namin.

Yung isang lalaki sinuntok nyung kasama ko sa mukha napadapa rin sa kalye at ako nalang ang mag isang nakatayo na hindi alam kung paano hihilahin yung dalawa na hinihila papasok sa van na nagpupumiglas at yung isa na nasa kalye. Tangina di ko na talaga alam gagawin ko ng mga oras na yun. Ang nagawa ko lang nun ay sumigaw ng pagka lakas. Ayaw ko silang iwanan eh. Hindi kaya ng konsensya ko.

"TULONG!" Mga apat na beses. Buti may lumapit na mga construction worker samin na gumagawa malapit sa pinangyarihan saka nag takbuhan pasakay ng van yung tatlong lalaki na balak kidnapin yung dalawang karoommate ko.

Walang plaka ang van. Basta puti at itim na itim ang salamin. Tinulungan kami ng mga construction worker dun na akayin yung mga karoommate ko papunta sa dorm namin saka namin pina-blotter after nun. Na-trauma kaming apat sa nangyare. Ngayon, hindi na namin tinangka lumabas ulit ng gabi.

PS: May nabasa akong post na about sa Van na puti na nag viral dito sa page na to. I guess, iisang van lang ang tinutukoy namin na umiikot ikot lang sa Manila. Guys mag ingat kayo.

Sherrie
2014
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon