Hindi ka si Popoy, hindi ako si Basha pero sana magka-Second Chance tayo.

3.1K 31 1
                                    

Hindi ka si Popoy, hindi ako si Basha pero sana magka-Second Chance tayo.

"He's from IN. I'm from IAS. He's my bestfriend and believe me, I was never attracted to him kaya ako pumayag na maging bestfriend nya. Parehi kaming nag-NBA2K, nagbebake ako, sya naman nagluluto. Kinocomplement ng kaingayan ko yung pagiging tahimik nya. Pareho kaming nagseserve sa govt. Totoong tao kasi sya. Alam nyo yung what you see is what you get, hindi nya kailangan na maging iba tao kapag kaharap nya ko. Nakikita ko kasi sa kanya si Papa at si Kuya. Yung marunong mag-alaga, marunong ng gawaing bahay, hindi tamad... in short, husband material si mokong. Yun kasi laging paalala sa'kin ni mommy, na kapag pipili raw ako ng mapapangasawa ko, piliin ko raw yung katulad ni papa and kuya. Hangganv isang umaga, nagising ako at di ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya pero hindi ko ini-entertain yung thought na nahuhulog ako sa kanya kasi alam ko mali (he's in a relationship and I'm exclusively dating naman sorry talaga never ko gusto makasira ng relationship kasi alam ko na yung feeling na maagawan) tsaka ayoko rin masira yung friendship namin. Until one night...

Him: Best, pano kong malaman mo na na nahuhulog na yung bestfriend mo sayo?
Her: *chill lang chill lang* Huh? Sino? Ikaw naffall sakin? Ulul wag ako.
Him: *konya* seryoso kasi.
Her: Seryoso. Wag.
Him: Hindi mo ba ko gusto?
Her: Basta wag. Hindi pwede, okay?
Him: ...
Her: ...

Di naman kami na-awkward o ano. Di ko alam pero mas pipiliin ko naman sya kesa sa awkwardness na dapat naming maramdaman pero sabi nga nila, ""prevention is better than cure"" kaya ako na muna lalayo.

Wag ka na magtanong kung bakit dahil wala naman akong isasagot.
Wag ka na magtanong kung bakit dahil di ko rin naman sasabihin.
Wag ka na magtanong kung bakit dahil hindi ko rin naman aaminin.

Siguro kung tayo talaga, tayo. Sana next time okay na yung timing, okay na rin tayo.
Kung hihingi man ako sa Diyos ng Secind Chance, sa'yo at sa'yo ko lang yun ibibigay.
Hanggang dito na lang muna.

Paalam muna, mahal."

Sana ako na lang si Basha, sana ikaw na lang si Popoy
2011
Institute of Arts and Sciences (


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon