FATTY
"I'm a pusher. I push people away.
Sinusulat ko ito ngayon, hindi dahil umaasa ako na mapublish to, pero para lang may mapaglabasan ng sama ng loob ko ngayon.I'm a 4th year Mass Communication student, graduating, and may boyfriend akong taga UST. We've been dating for almost 2 years now. Wala na akong mahihiling pa, sobrang bait nya, sobra siya magmahal. Hatid sundo ako kung kinakailangan kahit na dumating sa point na mapupuyat siya kahit may lakad siya kinabukasan. Okay kami hanggang sa dumating yung araw na, i decided to give up.
I decided to give up, i pushed him away. Lumayo ako sakanya, nakipaghiwalay ako sakanya, at iniwan ko siya ng ganon lang. Ang rason na sinabi ko ay dahil sa hindi nya ako pinicture-an nung special event ko. At ang immature nya, pero there's something more.
Insecure ako. Nasa akin ang problema, wala sakanya. Insecure ako. Buong katawan ko ay nababalot ng kainsecure-an. Mataba ako, panget ako, pango ako. Pero kahit ganon ako, mahal nya ako. Sobra nya akong pinagmamalaki. Siguro tinatanong nyo ngayon kung bakit ko iniwan kung mahal ako? Dahil para sakanya din. I know he deserves better. Ayaw saakin ng pamilya nya. Ramdam na ramdam ko sa bawat punta ko sakanila na hindi ako welcome. At ang sakit nun. Ang sakit sa feeling na hindi ka gusto ng pamilya ng taong pinapangarap mong makasama habang buhay. Ang sakit sa feeling ng hinuhusgahan ka dahil sa itsura mo. Sobrang sakit.
At alam nyo pa kung ano yung masakit? Yung sabihin mo sa mahal mo na ""tama na, hindi na pwede."" Kahit nagmamakaawa siya sayo, lumuluhod, umiiyak at nagsasabing ""mahal na mahal kita, ayaw kitang mawala.""
To you,
Mahal kita, mahal na mahal kita. Pero i know YOU DESERVE BETTER. Alam kong dahil sa break up na to, mapapasaya mo pamilya mo. Mas okay na siguro yung ganito, yung ako na lang yung masaktan kesa yung buong pamilya mo. Anyway, nagpapasalamat ako sayo dahil sa sobrang pagmamahal na binigay mo saakin. Higit pa sa sobra yung binigay mo saakin. Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na. Nandito lang ako palagi para sayo. Goodluck sa career mo. I know you'll be one great *insert profession here* ❤"
R.
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila