Basha
"Ngayon na maraming nababalitang proposals, weddings, at babies, naiisip siguro ng mga kalalakihan na kaming mga babae ay atat na atat ikasal at magkapamilya. Isa ako sa mga hindi. Kahit mahigit 6 years na kami ng boyfriend ko, hindi pa rin ako handa sa stage na yun. Mahal ko siya, walang duda yun. Hindi ko rin pinagdududahan ang pagmamahal niya sa akin. Oo, sweet nga ang idea na magpopropose siya, ikakasal kayo, at magkakasama habambuhay.. Yun din ang naisip ko nung nasa college pa kami. Halos 5 years na mula nung grumaduate kami, at nagbago na ang pananaw ko.
Nung unang beses ko napanood yung One More Chance, hindi ko talaga nagets si Basha. Naisip ko, ang tanga tanga naman nito, you had a good guy tapos binabalewala mo lang. Ano yang eksena mong I need space, I need to grow, hahanapin ko sarili ko, eklavu na yan? Naisip ko na selfish si Basha... Pero ngayon, naiintindihan ko na siya.
Kapag nasa isang long term relationship ka, minsan nakakalimutan mo yung dating ikaw.. Minsan, nakakalimutan mo yung mga bagay na gusto mo para sa sarili mo-- yung mga pangarap na gusto mong marating bilang IKAW. Darating ang panahon na kailangan mong ireassess ang buhay mo. Masaya na ba ako sa narating ko? Handa na ba ako? Ito ba ang tamang panahon? Maaaring masaya ka kasama siya, maaaring mahal niyo talaga ang isa't-isa, pero hindi sapat ang pagmamahal para icommit niyo ang sarili niyo sa forever. Mahirap ang buhay. Hindi natatapos ang pagplano sa wedding gown o reception. Mas mahalagang pagplanuhan ang buhay na naghihintay pagkatapos nang kasalan.
Sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo nung tinanong mo ako. Sana makakapaghintay ka pa, Popoy. Mahal kita, pero humihingi pa ako ng panahon. Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko, para makabalik ako sayo nang buo."
Basha
1
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila
