CROWNING GLORY

2.1K 20 0
                                    

CROWNING GLORY

"Dati libo-libo nagagastos ko sa pamparebond ko sa buhok dahil sa pagkakulot neto. RK wow chos. Araw araw kong sinusumpa ko buhok ko tuwing humaharap ako sa salamin. Nasubukan ko ring batakin ng batakin ang anit ko nagsasakaling uunat din eto sa katagalan. Wala, kahit anong rebond, kahit anong batak, lumalabas ang true ko colors este texture?lol niya. Kulot talaga siya. Mung-bruha ako at di ako masaya sa buhay, salamat ke kulot.

Pero eto na ung turning point. 360 turn.

Natuto ako magsearch sa net ng How To Take Care of Curly Hair nung pagod na ako at ung bulsa ko sa rebond. Maganda pala ang curly hair, naisip ko. Around 3rd year college ko naisip gawin yun. Di pala marunong umalaga ng buhok ang lintik. Edi sana masaya akong nirarampa curls ko nung highschool days ko.

Ngayon, halos araw araw akong napupuri sa long curly hair ko. 'ui kamuka mo si brave', lol kulot lang, kamuka na? 'ui ang ganda ng hair mo *sabay hawi ng kamay sa buhok* -______- WAG NA WAG NYONG GAGAWIN YAN SA KULOT UTANG NA LOOB. sa totoo lang kaloob-looban nabbeast mode ako, pero in real life sinasabihan ko lang na nakakabuhaghag yung ginagawa nilang pag hawi sa buhok na kulot, don't do it next time nlng, HA. HA PLS. Ingat na ingat ako sa pagpatuyo ng buhok ko para mag take place naturally yung mga curls tas dadaanan lang ng mga daliri nyo puñeta.

Kaya guys kung sino man di pa tanggap ang kakulotan nila, wag na kayo mahiya. let your hair shine like mine lol. Saka okay lang mangpuri ng buhok, wag lang hawakan. Ang akin ay akin."

Brave
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon