Paglisan

1.9K 35 1
                                    

Paglisan

Mag eenroll ako nun kaso ang haba ng pila so lumabas muna ako ng campus para bumili ng something na maiinom. Hanggang sa napunta ko ng Infinitea. Medyo mahaba rin pila nun. Medyo crowded na rin.

Nang ako na ang susunod, nabangga ko si ateng paalis na ng counter. Nabagsak yung tea na binili niya tapos sumabog sa sahig. So nag sorry agad ako at binilhan ko siya ng bago. Okay lang naman sa kanya. Di naman siya nagalit. After kong makabili ng sarili kong order walang maupuan. Eh mag isa lang naman si ateng natapon yung tea dahil sakin so nakiupo ako. Okay lang naman din sa kanya.

Nagkakwentuhan kami. San nag highschool. Bakit dito sa FEU. Bakit yun yung course na kukunin namin. Mga ganung kwentuhan. Aaminin ko, nagandahan na talaga ako sa kanya nung una pa lang.

Sabay kaming nag enroll. Sabay din nag lunch. Nagka palitan kami ng number.

To make this straight to the point, niligawan ko siya. Hatid sundo sa bahay nila. Cavite siya, QC ako. Lapit no? Hahaha! Gabi na nga ako nakakauwi tapos diretso tulog na kasi maaga pa pasok kinabukasan. Di naman nasayang ang effort ko kasi sinagot niya din ako. smile emoticon

Yung relationship namin sobrang perfect kasi parang mag bestfriend kami. Lahat ng sikreto at problema namin kinukwento namin sa isa't isa. Legal narin kami both sides. Minsan kapag weekends may family date kami. Kasama parents ko at parents niya. Para na nga silang mag bebestfriends eh. Hehe. Ayun. Nakakatuwa kasi ang swerte namin sa parents namin sa pagiging supportive.

Sa fourth year namin as college medyo naging busy. Critical year na kasi. Thesis. Projects. OJT. Ang daming dapat asikasuhin para maka graduate. Pero di naging hadlang yun para magka lamat ang relasyon namin kasi sinisigurado naming kahit busy kami, may oras parin kami sa isa't isa.

Isang araw, date namin nun. Magkikita kami sa infinitea. Yun kasi lagi ang dating place namin. Yung lugar na yun kasi ang pinaka memorable since dun kami nagkakilala.

Hinihintay ko siya. Napansin ko, three hours na akong nag hihintay so tinawagan ko na siya. Kaso yung phone niya out of coverage na. Tinitext ko hindi naman nag rereply. Nag papanic na ako. Tinawagan ko narin ang parents, friends at mga kapatid niya kaso hindi raw nila kasama. Pang limang oras nag alala na talaga ako kaya pinuntahan ko na siya sa bahay nila. Nang nasa byahe ako may nakita akong aksidente sa kalye. Ang daming tao. Ang daming pulis. Pero hindi ko pinansin.

Pag dating ko ng bahay nila naabutan ko ang parents niya na nagmamadaling umalis ng bahay. May tumawag raw sa kanilang pulis at sinabing patay na si Nicole. Yung girlfriend ko. Puntahan nalang daw sa morgue para i-identify ang bangkay.

Nanlumo ako sa balita. Sa byahe pa lang nag iiyakan na kami. Hanggang sa makarating kami sa morgue. Nandun ang mga pulis. Ibinalitang, naaksidente nga ang girlfriend ko.

Nasagasaan.

Nakita ko ang girlfriend ko ng walang buhay. Masakit. Halos ayaw kong pakawalan ang bangkay ng girlfriend ko sa pagkakayakap kahit na kinukuha na siya sakin dahil nangangamoy na nga ang katawan. Hindi ko matanggap.

Sa sobrang kalungkutan hindi ako nagpapasok ng eskwelahan. Nag kulong ako sa kwarto. Walang kain. Nag tangka din akong mag bigti sa sobrang lugmok ko sa pagka wala niya. Ang hirap kasing isipin na araw araw kaming magkasama noon, ngayon ako nalang mag isa.

Isang taon narin ang nakalipas mula nang araw na mamatay siya. Ngayon, ako nalang mag isa ang umoorder ng paborito naming Caramel Milktea sa Infinitea. Ako nalang mag isa ang naka upo sa upuang noo'y kasama ko siya.

And this story is brought to you by: Infinitea Morayta. Kaya kayo, bili na ng Caramel Milk Tea sa Infinitea. Masarap na. Murang mura pa! Hinding hindi kayo mag sisisi! Sarap na hindi niyo inakala! Hahahaha!

Allen
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon