❤
Ininvite ako ng boyfriend ko sa birthday party ng kaibigan niya. Ayaw ko sana kasi nahihiya ako. Mayayaman kasi ang mga tao dun. Mayayaman din ang mga kaibigan niya. Pero binilhan niya ako ng isusuot kaya hindi na ako naka tanggi. Pag dating sa party tama nga ang ine-expect ko. Puro elite ang mga tao. Englishan dun, englishan dito. Kaya ako tahimik lang.
Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya na kahit mayayaman ay mababait. Winelcome nila ako ng parang hindi iba sa kanila. Pero maya maya..
Maya maya dumating ang ex girlfriend niya.
Humalik sa pisngi ng boyfriend ko na para bang walang pakialam na nandun ako.
Verbatim
BF: Mia, this is my girlfriend, Cate.
Ex: Oh! How are you Cate? Nice dress.
Me: I'm fine thanks.
Ex: You know what? Sinong nag make up sayo? Ang pangit. You look like a drag queen.
*di ako umimik*
(Ako lang kasi ang nag make up sa sarili ko. Nanood lang ako ng tutorial sa youtube. Hindi kasi ako marunong mag make up. First time ko rin lagyan ang sarili ko. Gusto ko sanang maging presentable sa party. Hindi mukhang gusgusin.)
BF: Mia, just stop.
(Ibinuhos ng ex ng boyfriend ko sa mukha ko ang wine na hawak niya)
Ex: Ayan, mas maganda ka dyan. Diba Ian? Ang ganda niya?
(Naiiyak na ako sa kahihiyan dahil lahat ng tao naka tingin na samin. Sinubukan kong mag walk out pero hinila ng boyfriend ko ang kamay ko.)
BF: Indeed Mia, maganda siya. Maganda siya kahit walang make up right? That's the reason why I like her. She is simply beautiful inside and out. Unlike you.
Saka ako hinila ng boyfriend ko paalis sa birthday party. Pag dating sa kotse sorry siya ng sorry sakin. Pinunasan niya ang mukha ko at kumain nalang kami sa labas ng kaming dalawa lang.
Hindi ko alam kung bakit ako nagustuhan ni Ian. Kung tutuusin, ang daming magagandang babae ang nagkakagusto sa kanya. Mayayaman, elite kagaya niya. Pero akong simple at hindi kagandahan, hindi rin mayaman ang niligawan niya. Hanggang ngayon thankful parin ako kahit 3 years na kami at araw araw parang nag de-daydream na may literal akong prince charming na noo'y pinapangarap ko lang noong bata pa ako.
Feeling ko tuloy ako si San Chai ng Meteor Garden na may Dao Ming Si sa buhay ko.
Real-life SanChai
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
