Series of fortunate events
"Hi FEUSF.
Our story is a typical one. Magkaklase kami. We are getting the same course. Hindi kami close ni Mr. Suplado. Iba-iba kaming circle of friends. He came from ADM so my impression sa kanya is suplado. He's brainy. Hindi kaila cos he's wearing eye glasses. Yun nga, hindi kami close. May isang ganap sa school kung saan sumali sya, kaso natalo. To my surprise, I got a message coming from him saying that if pwede daw akong maging espionage nya. Wow. Secret agent ang peg. So sabi ko "OK".
Kung sa classroom kami parang hindi kami magkakilala. Nagtetext kami sa isa't isa kung may itinatanong sya about sa subjects. Minsan may patawag pa ang mokong.
May natanggap akong message sa katiwala namin sa bahay na may pumuta daw na kaklase ko sa bahay. Nagtaka ako, wala naman akong ini expect na dadalaw or what. Wala ako sa bahay nung time na yun pinuntahan ko Mommy ko sa office nya. So sabi ko, describe mo nga. Charaaaan! Syet. Ba't sya pumunta dyan? May dala dala daw syang food. Jusko!
So ayun, nagkita kami sa school ni Mr. Suplado at tinanong ko sa kanya kung bakit pumunta sya ng bahay ng walang pasabi. Tawa-tawa lang yung mokong.
Marami akong pinagdaanan like, stuck sa baha, walang masakyan, hindi papasok due to some fortuitous events. Pinuntahan nya ako when I got stuck sa baha, sinundo ng kotse nya at sinamahan mag absent. Hindi po ako B.I ha.
Sa 4 years na ganito kami. Minsan may hindi pagkakaintindihan, hindi nya ako kinakausap, akala nya sya lang marunong? Hindi ko din sya kinakausap hanggang sa kusa na syang pumunta at kausapin ako. I never imagined na magkiclick yung attitude natin. HAHAHA
Hi sa bestfriend ko na magbi-birthday! Cheers to more years of friendship! Thanks for our biglaang roadtrip. Sana Makita mo na ang ka forever mo. Sorry, hindi ako pwede eh.Alam kong alam mo na I'm afraid na mawala ka kung maging tayo. So better stay kung anong meron tayo.
Thanks FEUSF! XOXO"Bff ni Mr. S
1
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
