PASAHERO NG LRT 2

1.2K 1 0
                                        

PASAHERO NG LRT 2

"Ako lang ba yung nababother sa mga escalator na hindi gumagana sa recto station? As in ni isa walang gumagalaw? 1styr pa ata ako nung nasira yun pero until now sira padin e gagraduate nako. Pati elevator di gumagana.

Ang mas nakakabother pa dun, may mga matatanda akong nakakasabay as in hirap na maglakad pumapanhik pa sa napakatataas na hagdan makaakyat lang sa station. Atleast sakin kahit nakakabadtrip kahit pano exercise yung pag akyat e kahit ang sakit sa binti talaga kasi araw araw nalang, pero sa matatanda? Wth.

At ang pinaka nakakabother dun di lang isang beses ko naranasan na may makasabay na mga may kapansanan lalo yung mga bulag, naka wheelchair. Tapos one time, yung nakawheelchair simula sa taas hanggang pinakababa ng station binuhat ng 3 guard kasi nga walang elevator, e pano kung nahulog sila don?

Magsiboto talaga tayo ng ayos sa 2016. Hindi natin deserve to! Kakabwisit. Hindi lang to sa recto. Hindi ko magawang direktang magreklamo, alam ko hindi naman nila ako papakinggan kasi nag iisa lang ako, sino ba naman ako sa malaking mundong to! "

Concern na concern na citizen
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon